Chapter 8
Tristan
Napakagandang tanawin ang siyang nabungaran ko pagdilat ng aking mga mata kinabukasan. Halos magdikit na kasi ang aming mga mukha. Magkaharap kami kaya dama ko ang buga ng kanyang hininga.
“Mas maganda ka pa sa umaga, Tart,” bulong ko at nagtitimpi na haplusin ang kanyang mukha. Nais ko pa kasi siyang pagmasdan. Kaya minabuti kong manatili sa ganoong posisyon.
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakadama ng ganitong kaluwalhatian sa puso. ‘Yon bang masaya na akong kasama siya kahit walang anumang nangyayari. Siya pa lang ang babaeng nakasama ko sa buong magdamag sa iisang kwarto na hindi ko nagamit ang bestfriend ko. Sa lahat ng naging girlfriend ko, madali lang sa akin ang angkinin sila. Pero iba si Tart.
“Mahal kita…” natutup ko ang aking bibig nang biglang dumilat ang kanyang mga mata. Sa taranta ko’y lumagatok ang aking likuran sa tiles na sahig.
“Ano’ng nangyari sa ‘yo? Agbayani!” pigil tawa niyang tanong at sinilip pa ang uluhan sa akin. Tumayo naman agad ako at nagdahilan.
“W-wala! Nanaginip lang ako,” ‘di makatingin kong dahilan at nagmadaling tinungo ang pinto. Ngunit bago ako tuluyang lumabas ay nilingon ko siyang muli upang sabihin ang…
“Tart, I love you,” sabi ko at nagmadaling lumabas. Saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag pagkarating ko sa ibaba.
“Nagawa mo. Tristan nagawa mo!” pigil kong sigaw at nagtatalon sa tuwa. Ngayon lamang ako na torpe sa tanang buhay ko. Samantala madali lang naman sa akin ang mabulaklak na salita.
Hanggang sa loob ng banyo’y ‘di pa rin mapuknat ang aking ngiti. Mabuti na lang at may extra akong damit at boxer. Pati na rin pang-linis sa katawan. Kaya fresh na ako bago nakababa si Tart. Nakapag-luto na rin ako ng almusal namin. Simpleng itlog, bacon at bagong saing na kanin. Ginawan ko rin siya ng black coffee. At saktong pagbaba niya’y tapos na rin ang lahat.
“Kain na, Tart.” Narito na naman ang kakaiba niyang bango. Nasa hagdanan pa lng siya’y para na akong asong ulol. Lalo pa nang makalapit ito sa akin.
“Wow! You cook? Hmm, empressive,” tugon niya at nakangiting nakatingin sa luto ko. Para siyang namamangha na marunong ako magluto.
“Upo na,” sabi ko at pinaghila siya ng upuan. Pansin kong hindi ito nakauniporme. Nakasuot siya ng pantalon at white blouse. Ang astig niyang tingnan pero gandang-ganda pa rin ako sa kanya. Wala siyang kolorete sa mukha at parang hindi dumaan sa matagal na pagsusuklay ang kanyang mahabang buhok.
“May lakad ka ba?” ‘di ko mapigilang tanong. Tumingin ito sa akin at nakangiting sumagot.
“Oo, sa inyo,” simpleng sagot niya at nagsimula kumain.
“Ah… ano kamo? Sa a-amin ka pupunta?!” gulat na gulat kong tanong.
“Oo, ayaw mo ba?!”
“H-hindi naman sa ayaw ko, pero kasi–”
“Kasi? May pasok ka sa trabaho?” tuloy niya sa sasabihin ko.
“Oo, kaya sa susunod na lang–”
“Don’t worry, naipalam na kita,” balewala muli nitong sabi.
“Huh? P-pero paano mo nagawa?” nagtataka kong tanong. Ganoon ba siya kalakas sa may-ari ng hotel at isang tawag lang ay tanggap at pwede kaagad ako mag- absent? Nilingon niya ako’t…
“Remember babe…? ‘Yung kaibigan ko…!
“Ah, oo, naalala ko, akala ko gf mo,” medyo hiya kong pag-amin.
“Kaya nag-selos ka at nagpakasing,” panunuya niyang sabi. Alam kong biro lang ang sinabi niya. Pero ayaw kong daanin lahat sa biro. Gusto kong patunayan na seryoso ako.
Tumingin ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. “Oo, nagseselos ako. Alam mo bang sa ‘yo lang ako nagselos ng gano’n?” seryoso kong sabi.
Natigilan naman siya’t nagkatitigan ang aming mga mata. Ngunit siya rin ang unang nag-iwas at nagdahilan.
“Nagbibiro lang–” ngunit pinutol ko ang sasabihin niya at iniharap siya sa akin.
“Ako hindi! Seryoso ako sa ‘yo Keanna. Sana gano’n ka rin,” pag-amin ko. Kailangan ko ng magpakalalaki.
Magkatitigan pa rin kami at walang nais kumurap. Pansin ko ang pagka-ilang nito. Kinagat rin niya ang ibabang labi kaya’t napako ang aking paningin sa mabango niyang bibig. Alam kong tinatablan na rin siya.
Umusog ako at unti-unting inilapit ang aking labi. Hindi siya pumalag at ipinikit na lamang ang mga mata. Nagdiwang ang puso ko. Bilang isang lalaki ay alam kong hinihintay niya lamang ang paglapat ng aming mga labi.
Gustong-gusto ko nang pagdikitin ang aming mga labi. Lalo pa at kunting-kunti na lang ay magdidikit na rin. Pero hindi ko ginawa. Sa halip idinampi ko ito sa kanyang noo.
Dumilat siya’t biglang namula ang mukha. Kinurot ko ang ilong niya’t saka inilayo ang aking sarili. Hangga’t maari nais kong magpigil. Gusto kong gawin ang unang halik naming dalawa sa isang romantikong lugar.
Nagpatuloy kami sa pagkain ngunit sa pagkakataong ito’y tila may awkward moment na sa aming dalawa. Hindi na kasi niya akong magawang tapunan ng tingin at nagmadaling tinapos ang pagkain.
Kaunti lang din naman ako kumain ng agahan kaya’t sinabayan ko na rin siya. Nag-ligpit siya ng kinainan at ako naman ang naghugas ng pinggan. Para tuloy kaming mga bagong kasal. Kinilig tuloy ako.
Matapos ang trenta-minutos ay tapos na rin kami sa lahat. Bumaba siyang muli at sa pagkakataong ito’y suot na niya ang jacket at ang belt bag nito.
Nauna na akong lumabas at inihanda na rin ang sasakyan niya. Pinaandar ko ang sasakyan saka siya hinintay sa labas upang pagbuksan ng pinto.
“Thanks, Tart,” sabi niya. Kinilig na naman ako. Sa simpling banat niya lang ay para akong ice cream na natutunaw. Nagpakawala ako ng hangin sa bibig at saka pumasok sa loob.
“Sa mall tayo, bili natin ng mga pasalubong ang pamilya mo.” Natigilan na naman ako’t tiningnan siya.
“Tart, kasi… hindi mo na kailangan–”
“Alam ko, pero sana hayaan mo ako. Kahit ngayon lang. Please!” pakiusap niya. Ayaw ko rin naman na manggaling sa kanya ang ipapakain ko sa pamilya ko. Hinawakan niya ang aking kamay at bigla itong kumindat.
Bigla naman akong natawa at napabuntong hininga. Nalusaw na ako ng tuluyan.
“Sige, pero huwag sobra-sobra. Ako ang lalaki sa ating dalawa. Kahit malaki ang sahod mo ay hindi ko naman maatim na gamitin ang buwis buhay mong trabaho para lamang gamitin sa pamilya ko.” Hindi kaagad siya nakasagot. Pero maya-maya’y…
“Huwag kang, mag-alala. Gift check lang naman ang gagamitin natin. Buwan-buwan kaming nakatatanggap ng gano’n kaya naipon. So, tara na?” Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.
“‘Di mo naman sinabi agad, alis na tayo. Matutuwa si Inay at mga kapatid ko.” Nagmaneho ako papunta sa
Mall at pagdating namin ay gaya ng dati binati at nagbigay galang ulit ang mga empleyado sa kanya.
Dumiretso kami sa grocery at kumuha ng malaking cart. Ngunit gaya sa department store n’ong nakaraan ay may lumapit muli sa amin na halatang manager upang batiin lamang siya. Sinalubong niya agad ito’t inakbayan. Hinayaan ko silang mag-usap at naghanap na lamang ng ibang kailangan namin sa bahay.
“Nakapili ka na ba?” biglang sulpot nito sa aking likuran. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang aking kamay. Kaya pinagsiklop ko na lamang at sabay na nag-ikot pa sa loob. Hanggang mapuno namin ang cart.
Umabot halos ng kinsemil ang lahat ng napili namin. Nakita ko naman ang pagkuha niya ng tatlong gift check. Nagsasabi nga siya ng totoo kaya napanatag ako.
Nais pa sana niyang bilhan sila ng damit pero hindi na ako pumayag. Tama na ‘yong nauna sa akin.
Maya-maya’y dumating na rin kami sa bahay. Saktong tanghalian na nang marating namin ang aming maliit na tahanan.
“Kuya Tristan!” tawag sa akin ni Tonnet na saktong pababa ng hagdanan.
“Kuya!” panabay naman nilang tawag sa akin lahat. Dumugaw rin si Inay at napako ang tingin sa kasama ko. Ganoon din ang mga kapatid kong awang ang mga labi kay Tart.
“Tuloy ka, Tart. Pasensya na sa bahay namin. Nay! Mano po. Si Keanna nga po pala, girlfriend ko,” pakilala ko kay Tart kay inay kaya nawala ang tingin nila sa kanya.
“Magandang tanghali po, Inay,” bigay galang niya kay Inay at nag-mano rin ito.
“Kaawaan kayo ng diyos mga anak. Aba’y! Talaga namang napakaganda mo hija,” puri ni inay sa kanya. Kinuha ng mga kapatid ko ang hawak kong mga box ng pinamili namin. Tuwang-tuwa ang mga ito lalo pa at ngayon lamang ako nag-uwi ng ganyan karaming groceries.
“Salamat po Ate sa bigay ninyo. Marami na rin kaming mauulam po na puros paborito namin,” sabi ng kapatid kong bunso na si Tinay. Siya lang naman ang panay dikit pati ni Tonnet. Ang iba kasi’y malalaki na.
Nag-aya si inay na kumain. Naiilang ako’t baka hindi siya sanay sa ulam naming galunggong at ginataang monggo. Pero nagulat pa ako’t sarap na sarap siya. Nag-dagdag pa nga ng kanin. Nakatingin lang halos sila Inay at mga kapatid ko sa kanya. Pati ako’y ‘di na rin maalis ang tingin. Ang sarap niya kasing pagmasdan. Nagkakamay pa ito dahil sa isda.
“Kain na!” tugon niya sa amin nang mapansin na nakatingin lang kami sa kanya.
“Nay, ang sarap po ng luto ninyo. Ngayon lang ako nakakain ng ganito,” sabi niya.
“Salamat hija, kain ka pa,” sagot ni Inay sa kanya.
“Ate, kami sawa na diyan. Gusto ko naman fried–”
“Tinay, kain na,” saway ko sa kapatid ko. Pero pinigil ito ni Tart at tinanong pa ito.
“Gusto n’yo ba ng fried chicken?!”
“Opo Ate, at saka ice cream.”
“Tinay, tama na–”
“Ano ka ba, Tart. Hayaan mo na,” pigil niya sa akin. Tapos na siya kumain at naghugas muna ng kamay. Saka kinuha ang cellphone at may tinawagan. Tinanong pa niya ang address namin at sinabi naman agad ito ni Tricia na kanina pa tahimik. Makalipas ang thirty minutes ay may kumakatok na nga sa pintuan. Nang tingnan ko ito’y isa sa staff ng mga hotel. Hindi ko siya gaano kilala pero nakita ko na rin.
“Ma’am Keanna, heto na po lahat ng pinabili n’yo.” At inabot sa kanya ang mga supot ng pagkain na galing sa fastfood.
“Salamat, Roselle. Ayaw kong makarating ‘to kung kanino ah,” sabi niya rito.
“Ako na pong bahala. Sige po mauuna na ako,” paalam nito at umalis na. Binigay niya ang pagkain sa mga kapatid ko na bukod tanging si Tinay at Tonnet lang ang masaya. Hinayaan ko siyang pagsilbihan ang mga kapatid ko sa hapag kainan. Bawat isa naman sa kanila’y nagpasalamat at tahimik na kumain. Nakatayo lamang ako at pinapanood lang siya hanggang madinig ko ang boses ni Inay sa aking tabi.
“Anak, sigurado ka ba na pulis lang ang girfriend mo?” ‘di mapigilang tanong ni inay. Tiningnan ko na lamang si inay at hindi na rin siya sinagot. Maski ako nahihiwagaan sa pagkatao niya.
“Sino ka nga ba talaga?” tanong ko sa aking sarili. Masyadong mabilis ang pangyayari sa amin. Siguro panahon na para mas kilalanin ko pa siya ng lubos.