Tricia's POV “Gigil mo ‘ko payatot! Kaasar! Lagot ka sa ‘kin.” Kanina pa ako gigil na gigil habang hawak ang cellphone ko. Ito kasing si payatot… este PO1 Payatas ay wala pa ring reply sa ‘kin. Bakit ko nga ba siya hinihintay na mag-reply? F.Y.I hindi ko siya boyfriend, manliligaw? Well, siguro ligaw nga ang tawag sa palagi niyang pagdadala ng bulaklak at kung anu-ano pa sa school noon, dalawang taon na nakararaan hanggang ngayon na nagtatrabaho na ako. Ang bilis lumipas ang mga araw, heto’t dalawang taon na nga ang lumipas at masasabi kong we’re okay now, lalo na ang kuya Tristan ko. Saksi ako sa masasakit na nangyari sa kan’ya noon. Nung mga panahong nagpakabaliw siya sa brat na si Keanna Zobelle. Akala ko noon, iba siya sa mga anak mayaman. Sana kasi kagaya na lang din siya namin n

