Tristan Our nights with Keanna were filled with a passionate, recurring rhythm of love. Pang pitong araw na namin ngayon at ito na ang huling gabi namin. Sa araw-araw na nagdaan ay wala kaming pinalalagpas. Nakailang ulit ang nangyari sa amin sa tubig dagat. Sa laot sakay ng aking yate at sa lahat ng sulok ng ‘Sweet-Tart Paradise’, ang nabuo namin na pangalan ng isla. Pawisan ako’t naghahabol pa ng hininga nang marating namin ang sukdulan. Humiga siya sa aking tabi. Kinabig ko naman ito palapit sa akin at hinalikan sa pisngi, “I love you.” Ilang minuto kong hinintay ang sagot niya ngunit wala akong narinig maski isang salita. Kaya’t hinila ko ang aking kamay upang tingnan ang kaniyang mukha. “Tinulugan mo na pala ako, ang daya mo,” ani ko at pinatakan siya ng mabining halik sa labi. Sa

