CHAPTER 29 BOOK3 Nasa duyan ng umagang iyon si Eliezer, habang nakaupo sa duyan sa lilim ng puno. Doon siya lagi napipirmi tuwing umaga habang nagpapagaling. Medyo maputla pa nga ito at may benda rin ang kanyang braso pati na ang kanyang natamong sugat sa ibang parte ng katawan. "May kailangan ka ba, sweetheart?"malambing tanong ko. Napangiti naman si Eliezer at saka lumingon sa akin. "Ngayon mo lang ako tinawag sa ganyang endearment, ha?" Namula naman ang mukha ko bigla. "Huwag na nga lang, I'd prefer Eliezer na lang ulit." nakanguso kong sabi. Hinila nga ni Eliezer ang kamay ko marahan naman akong lumapit sa kanya at saka ako dinampian ng halik sa labi. "I love it.." anito. "Yun naman pala,eh." Sinubuan ko nga siya ng niluto na maruya at pansit ni Tita Wisa at Ninong Anselmo.

