TEN YEARS LATER | Mataas na Kahoy, Batangas Abala ang lahat para sa pagdating ng isang panauhin na hindi namin akalain na magiging parte ng aming buhay. Kapag binalikan ko lahat ng nangyari sa amin ay para bang imposibleng mangyari ang lahat. Sabi nga ng iba, saan ko daw hinuhugot ang pagmamahal at pang-unawa ko. Pareho lang ang aking sagot sa tuwing may magtatanong -- pamilya ko. It's not easy to forgive and accept people who have wronged you once, paano pa naulit? Pero alam mo, lahat nagkakamali. Lahat ng tao -- they deserve a second chance. Ang isang taong nagkamali noon at nagpipilit na magbago ay hindi mo dapat husgahan -- bagkus ay dapat mo pa nga s'yang tulungan na maging mabuti. Kung hindi dahil kay Corina, hindi namin mahuhuli ang taong naging sanhi ng kamatayan ko. At ba

