Luna
“Oh iha, napadalaw ka? May lakad ba kayo ni Tristan?” Salubong sa akin ni Tita Cristy, ang Mommy ni Tristan. Agad naman akong nagmano pagkasalubong ko dito.
“Good morning po tita. Wala po tita, si Christian po ang sadya ko” sagot ko naman dito.
“Ah ganun ba? Nabalitaan ko nga na ikaw daw ang pansamantalang sekretarya niya. Hindi ka naman ba pinahihirapan ni Christian?” Napangiti ako sa sinabi ni Tita Cristy.
“No po Tita” sagot ko habang nakangiti.
“Mabait naman po si Kap tita” inalalayan niya akong makapasok sa loob ng kanilang mansyon saka sinamahang makaupo sa sofa.
“Ang sabi ni Tristan, pinagsasabay mo daw ang pagaaral at trabaho. Hindi kaba nahihirapan anak?” Bakas ko ang pagaalala sa mukha ni Tita Cristy. Sa tagal na rin kasi naming magka relasyon ni Tristan, halos parang anak na rin ang pinapadama nila sa akin ng pamilya niya.
“Si Tristan talaga, sinumbong pa po ako sa inyo” natatawa ko itong sinagot. Gumanti rin ito ng tawa.
“Nagaalala lang yun sayo. Anyway, nakaalis na si Christian, pupunta daw sya kina Mayor. May importanteng paguusapan daw sila. Si Tristan nasa kwarto niya pa. Gisingin mo na nga anak at baka mahuli sa pagpasok” tumayo si Tita Cristy, sinabayan ko rin ito ng tayo saka ako nagpaalam na pupuntahan si Tristan sa kwarto. Sumangayon naman ito.
“Maghahanda na rin ako ng almusal niyo”. Saka ito dumiretso papasok sa kanilang kusina.
“Salamat po Tita”
Dumiretso ako sa kwarto ni Tristan saka ito kinatok. Nang walang sagot na nanggaling sa kwarto, sinubukan kong pihitin ang door knob, mabuti na lang at nakabukas kaya nakapasok ako sa loob.
Nadatnan kong nakahiga pa ito at nakatalukbong ng kumot. Tinapik tapik ko ito upang magising hanggang sa umungot ito.
“Gising na babe, mala late kana” bahagya nitong idinilat ang mata saka ngumiti.
“Goodmorning babe” sagot nito saka binuka ang kanyang dalawang braso na tila ba nagaaya. Tinignan ko naman ito saka tumabi sa kanya. Iniyakap naman nito ang mga braso sa akin. Ginantihan ko rin ito ng yakap.
“Ang sarap ng gising kapag ikaw agad nabubungaran ko” hinigpitan pa nito ang kanyang pagyakap.
“Hmmp nambobola kana naman” sagot ko naman dito habang sinagot ang higpit ng yakap nya.
“Kahit kailan, hindi kita bobolahin. Excited na akong gumising sa umaga na ikaw ang kasama” napangiti naman ako sa sinabi niya. Ako rin, pinapangarap ko rin na isang araw sabay kaming matutulog, sabay gigising at sabay maliligo. Napahagikgik naman ako sa huling naisip.
“What’s funny? Totoo naman ah” sagot ni Tristan na tila may halong pagtatampo sa tono.
“No, hindi kita tinatawanan” sagot ko habang patuloy pa rin sa pagtawa.
“Eh bakit ka natatawa dyan?” Tanong naman nito.
“Wala, naiisip ko rin naman yang naiisip mo. Excited din akong isang araw sabay tayo matutulog, sabay gigising at sabay..” hindi ko natapos ang huling sasabihin dahil natawa na naman ako.
“Whaaatt? Babe!” Banta ni Tristan.
“Sabay..maligo” saka ko sinubsob ang mukha sa dibdib nito habang patuloy na natatawa sa naisip.
“Oohhhh, i like that. Gusto mo ba gawin na natin ngayon?” Natatawa naman nitong sagot. Napalo ko ito sa pwet sa gulat na agad ko ring ikinagulat dahil sa dami ng parte katawan nito, bakit sa pwet ko pa ito napalo.
“Ouuchh but i like it. Ang naughty mo ngayong umaga ah.. hmmp gusto ko yan.” Saka naman niya kiniliti ang tagiliran ko na sabay din naming ikinatawa. Nang muli ako nitong yakapin, malapit na ang mga mukha namin sa isa’t isa.
Napatitig ai Tristan ng seryoso, gayun din naman ako.
“Babe” agaw pansin ko dito. Hindi ito sumagot bagkus nilapit nito ang kanyang mukha at hinalikan ako ng marubdob sa labi.
“Babe” ungol nito habang sinasagot ko ang mga halik nito. Lumalim ng lumalim ang halik namin hanggang sa nagumpisa na ring maglikot ang kamay nito. Naramdaman ko ang paghimas nito sa isang parte ng dibdib ko na ikinaigtad ko naman. Naglabas din ako ng isang mahinang ungol.
“Babe” habang tumatagal lalong nagiinit ang pakiramdam ko. Tila may gusto akong mangyari ngunit hindi ko mapangalanan. Nagsimula ring mag explore ang kamay ni Tristan. Pinasok niya ang kamay sa loob ng suot kong blouse at nagsimulang laruin ang aking matayog na hinaharap.
“Ahhhh” impit na ungol muli ang lumabas sa bibig ko.
“Babe” sagot ni Tristan habang hinahalikan ako sa labi. Bigla na lang itong kumilos at pumunta sa ibabaw ko. Nakatukod ang magkabilang kamay nito sa mga gilid ko at malagkit itong nakatitig sa akin. Naghintay ako ng susunod nitong gagawin. Maya maya pa, dinampian ako nito ng halik sa noo at sa labi.
“I’m sorry Babe, hindi na po mauulit” nagulat ako sa sinabi nito, tumitigil na ba siya? ayaw ba niya? Parang gusto kong mag protesta sa sinabi niya. Sa tagal namin mag boyfriend/girlfriend, taas noo kong sasabihing wala pang nangyayari sa aming dalawa. Palaging ganito, palaging pagtatangka lang at si Tristan din ang titigil.
“I’m sorry Babe, i respect you. Hihintayin kong magsalita ka ng I Do sa harap ng simabahan bago ko ito gawin sayo. I love you Babe” sagot ni Tristan. Gusto kong tumutol dahil alam ko sa sarili ko wala naman akong ibang paglalaanan ng sarili ko kundi siya lang. Ngunit sa huli, Napangiti ako dahil totoo lahat ng sinabi niya. Palaging walang nangyayari dahil ginagalang niya ako at gusto niyang makasal muna kami bago namin pasukin ang ganitong bagay. Kung minsan gusto ko na sabihing ‘Huwag mo akong galangin’ dahil kung minsan medyo nakakabitin din pero sa kabilang banda, tama naman sya. Nagaaral pa kami. Paano kung may hindi inaasahan at may mabuo, parehas kaming hindi makakatapos. Kaya naman ngumiti na rin ako at sumang ayon sa gusto nito mangyari.
“Thank you Babe” tanging nasagot ko.
“Lika na?” Sabi ko pa dito. Agad din naman itong tumayo at inalalayan akong makatayo.
“Ligo lang ako” sabi nito saka nagiwan ng isang matamis na halik. Dumiretso ito sa banyo at ako naman ay naiwang nakatanaw lang dito.
Wala pa akong karanasan sa ibang lalaki pero nasisiguro ko na kung ano ang mayroon samin ni Tristan, totoo ito. Seryoso. At sigurado akong siya lang ang tanging lalaki para sa akin..habangbuhay.