DALE'S POV "Ibibigay ko sayo ang contact number ng private investigator, Toto lang binigay nyang pangalan, bayad na sya, ako na ang bahala pero kayo na ang mag usap." wika ni ex congressman Torre. Natutuwa ako na sa ngayon ay may propesyonal na makakatulong sa amin sa aming paghahanap kay Lily. ...... Napag usapan naming magkikita kami ni alyas Toto sa isang restaurant sa syudad. Alas dyes pa ng gabi ang usapan pero mag aalas otso pa lang ay nandoon na ako. Hindi na ako makapaghintay sa ano mang impormasyon na makukuha nya tungkol kay Lily. Kahit may konti akong pagdududa na kaya nyang magkaroon ng lead dahil pitong taon na ang nakakaraan ay umaasa pa rin talaga akong may maitutulong ito. Hindi mapakali ang mga paa ko sa ilalim ng mesa, parang mas gusto kong lumabas at maglakad lakad.

