DALE'S POV
"Anak baka gusto mong dumalaw saglit dito sa probinsya?" Naka loud speaker ang cellphone kong nakalapag sa estante habang nagsisipilyo ako sa banyo at kausap si mama. "Kahit isang araw lang?"
"Ma alam mo naman na ayoko nang bumalik jan kahit kailan, nag usap na tayo di ba?"
Alam kong may ibang dahilan si mama bakit biglaang gusto nya akong papuntahin doon. Hindi ako makapaniwalang tuloy tuloy pa rin ang takbo ng beer house doon at marami ang dumarating na mga bagong customer. Lumawak na din iyon at naayos na tila isa nang mamahaling resto bar, nagdagdag sila mama ng kainan at inn na naka bukas bente kwatro oras. Lahat yun dahil sa mga porsyento nyang nakukuha mula sa mga bigatin ko nang kliyente na mula sa industriya ng mga artista, modelo at negosyante, maging ang mga babaeng nagsasayaw doon ay hindi na basta basta babae lang, magaganda ang mga ito at isa isa ring nagpaparamdam ng pagnanasa sa akin.
Hindi ko maipaliwanag bakit lalong umaasenso ang bahay aliwang iyon imbes na ma karma si mama sa ginawa nyang pagpapalaki sa akin doon sa lugar na iyon.
"Hindi mo man lang ba dadalawin ang ninang Sandra mo?" Tila kinokonsenya ako nito para kunin ang loob ko at makumbinsing pumasyal doon. Kahit paano ay pansamantalang nawawaglit ni ninang Sandra ang pangungulila sa anak nitong si Lily, binabaling nito ang kanyang oras sa ibat ibang lalaking hindi maarte at pinagtyatyagaan na lang ang tulad nyang wala na sa kalendaryo ang edad.
"At saka may sasabihin daw si Ex congressman Torre tungkol kay Lily."
Pareho kaming natahimik saglit ni mama matapos nyang sabihin iyon. Pinapakinggan kong maigi kung may bulongan ba sa kanyang tabi na kaduda duda at isipin kong pakana nya lang iyon para lang puntahan ko sya. Alam nyang gagawin ko ang lahat para lang makakuha ng impormasyon tungkol kay Lily.
"Buhay pa pala sya ma?" Yun na lang ang naisagot ko sa kanya.
Si ngayon na ex congressman Torre ang nasa isip naming lahat na salarin sa pagkawala ni Lily pero wala kaming matibay na ebidensya laban sa kanya para suportahan ang aming sapantaha. Sya lang ang naghihintay na maging dise otso si Lily para ma angkin na nya ito. Mariin nya itong itinatanggi at kapag may oras ay personal pa ring nagpupunta sa beer house kapag bakante ang oras nya. Wala na syang ginalaw na babae mula noon na tila totoong pag ibig nga ang alay nito sa dalagita bago ito naglaho. Ngayon ay may sariling pamilya na ito ngunit tumutulong pa rin sa paghahanap kay Lily na kanyang unang pag ibig kahit pa noon pa man ay malayong malayo na ang pagitan ng kanilang mga edad.
"Sige pero pagkatapos naming mag usap ni Cong. Torre ay aalis agad ako jan."
Paglabas ko ng banyo ay naka higa pa rin sa kama si Josh, ang kaisa isang naging matalik kong kaibigan sa kolehiyo. On-call masahista ito at alam kong nag aalok din ito ng extra service sa kanyang mga kliyente, ang hindi ko lang masigurado ay kung alam nyang hindi nagkakalayo ang mundong aming ginagalawan na katawan at t i t i ang puhunan. Kumakatok itong lasing na lasing dis oras ng gabi kaya naman pinagbuksan ko na lang.
"Josh! pre! Aalis na ako."
"Sabado naman ngayon pre, patulugin mo muna ako saglit." lasing pang sagot nito.
"Maligo ka mamaya ah alam mong maarte ako sa mga gamit ko jan, isalang mo yang bedsheet at kumot sa washing mamaya ah pati punda ng unan, hah?"
"Uhmmm 'ge" maikling sagot nito.
Sabado ngayon at mag iikot ikot ulit ako para magmasid ng mga di mabilang na muka ng mga babae sa sentro ng bayan.
Ngayon nga pala naka schedule ang kliyente kong producer daw ng pelikula at nakalimutan kong itanong kay mama kung nakapag bayad na ba ito.
...
May inggit akong nararamdaman kapag nakakakita ako ng mga mag boyfriend at girlfriend na nilalaan ang araw ng Sabado o Linggo para sa kanilang dalawa para gugulin ang oras sa mall, sa parke o kung saan man. Siguro ay ganun din ang ginagawa namin ni Lily kung nandito lang sana sya.
Madaming tao sa syudad sa araw na ito, pero parang ako lang ang mag isang naglilibot nang walang kasama. Lahat may pamilya, lahat may kaibigan at lahat may kapareha; lahat ng bagay na wala ako ay nasa paligid ko na para bang sinasabing hindi ako nabibilang sa mundong ito sa labas ng bahay aliwang beer house na iyon.
...
"Dale tumawag na yung kliyente mo dinoble ang bayad nag pasobra pa, one point one million binigay may kasama daw.........."
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni mama at pinatay ko na ang telepono. Alam kong may kasamang request na naman ang magiging kliyente ko gaya ng paglalagay ng kung ano ano sa katawan ko na unti unti nyang dinidilaan o kaya naman magdala ako ng posas para iposas sya sa kama. May tatlong oras pa bago ang pagkikita namin sa isang hotel kaya nagpasya muna akong umuwi.
....
Naabutan kong hubo at hubad na naka dapa si Josh sa kama. Balbunan ang kanyang maputi at maskuladong paa na wala namang bakas ng dumi. Makinis ang mga pisngi ng pwetan nitong parang sa babae din. Tumabi ako sa kanya sa paghiga nang matanggal ko na ang sapatos ko at pabirong sinampal ang kanyang pwet.
"Gusto mo ba pre?," tukso nito nang lingunin nya ako.
Umikot sya at humiga saka muling pumikit. Hindi maikakailang mas malaki ang talong ko na kahit hindi pa man ito tumitigas ay doble ng mas mataba kesa sa kanya. Ngayon lang ako nakakita ng ari ng ibang lalaki sa personal.
"T a n g i n a mo," tawa ko na lang sa kanya.
"Limang libo yan pag sa bading, libre na lang sayo," pagpapatuloy nito sa kanyang panunukso.
"Isang milyon nga akin, barya lang pala ang halaga ng iyo." pagmamalaking bulong ko sa sarili ko.
"Gusto mo ba ipasok kitang masahista din? sigurado dudumugin ka ng mga babae at mga lahi ng bahaghari."
"Pass par di ako marunong mag masahe," pagtatanggi ko dahil ayoko nang humaba pa ang pag uusap namin tungkol sa ganong bagay at baka hindi ko mapigilan ang sarili kong mabanggit sa kanya na tulad nya rin akong nagbebenta ng aliw at ng aking katawan.
"Alam mo par, pag nakita ka na nilang naka hubad, hindi na sila magpapa masahe, susunggaban na agad nila yang o t i n mo, kunwari lang yung masahe masahe." Pambubulgar nito sa sikreto ng kanilang mga racket. Gaya din pala na kunwaring kukuhanan lang nila ako ng litrato bilang modelo ng aking mga kliyente yun pala ay b u r @ t ko ang habol nila.
"Tapos sasayawan mo ng parang ganito...."
Bumangon sya at lumuhod sa kama saka ako sinayawan ng pang macho dancer habang nakahiga ako, nakatutok ang kanyang kayumangging t i t i sa aking muka habang gumigiling ng marahan.
"T a n g i n a neto itigil mo yan par," saway ko sa kanya saka ko sya itinulak pabalik sa pagkakahiga.
"Ayaw mo ba par?," Tinignan nya ako ng seryoso sa mata. Walang halong biro, basta tinignan nya lang ako sa mata at unti unti nyang nilalapit ang kanyang muka para halikan ako.
"Tumigil ka kundi bibigwasan kita!" Napatawa na lang ako at inambahan sya ng kamao.
"Ina mo pareho tayong lalaki loko loko, tapos sususuhin mo b u r @ t ko?"
"Basta para sa pera par basta maganda ang bigayan susubo ako."
Hindi ko alam kung seryoso o nagbibiro ito sa kanyang pag amin. Kung ganun pala ay mayron pang mas p u t a sa akin.
Napalalim ang pag iisip kong iyon at hindi na namamalayan na isang oras na lang ay dapat nasa hotel na ako para sa kliyente ko kaya naman nagpaalam na ako kay Josh at muling ibilin na isalang nito sa washing machine ang lahat ng nadapuan ng kanyang walang saplot na lasing na katawan....
"Alam ko din ang mga racket mo par...."
Wika nya nang palabas na ako sa pinto.
"Binalewala ko iyon pero hindi na nawala sa isip ko, anong alam nya? at paano nya nalaman.