2: Clove

1569 Words
“Hmm, mukhang mabigat. Sigurado ka kaya mo yan?” “Tantanan mo ‘ko Fourth.” Nagkibit-balikat lang yung Fourth. “Sinasabi ko lang. Sa tingin mo buhay pa yan?” “Pag di ka tumahimik ngayon din, bibilhin ko yung boyfriend mo.” “Pakyu ka Darian.” Umalis si Fourth, may hawak na bote ng wine sa isang kamay, at nakaakbay yung isang braso sa boyfriend niya. Maya-maya, nagtago na sila sa isa sa mga VIP rooms.   Halong kaladkad at karga papuntang madilim na hallway ng VIP area ang ginawa ni Darian sa naghihilik na lalake. Napansin tuloy siya nang mga taong nakatambay dito. Ayaw pa naman niyang pumapasok sa normal na entrance. Amoy yosi at alak kasi. “Darian! Long time no see!” bati nang isang boses na masiyahin. “Mack.” “Bakit nandito ka? Sino yan? Bagong laruan mo?” Nagpasya si Darian na kargahin na nang tuluyan si Dash na parang pangkasal. Ang tagal kasi kung hindi. “Host ko.” Inikutan sila ni Mack at hinawakan yung mukha ni Dash para tingnan siya nang maayos. “Hindi ko pa ‘to nakikita dati.” Sabi niya. “As if naman nakalaro mo na silang lahat?” Kibit-balikat lang si Mack. “Kilala ko halos lahat. Anyway, nagdedemand si Hades nang emergency meeting. Tungkol sa status nang boylet niya. “Wala akong pake dun. Issue niya yun. Bakit hindi si Ares ang tawagin mo? Nakasalubong ko kanina.” “Ayaw ni Hades sa tatay ni Ares. Ha! Nag-away kasi sila tungkol sa… ah… 'trabaho'.” Binitiwan niya yung pisngi ni Dash pero nagdududa parin. “Well, see you around, Helios.” Sabi ni Mack at bumalik siya sa table kung saan isang maskuladong lalake ang sumayaw papunta sa kandungan niya at pinainom siya nang wine.     Nagmaktol na lang si Darian habang dumadaan sa isang dingding na tadtad nang wine mula floor to ceiling.   May rason kung bakit ayaw niyang tumatambay sa VIP nang matagal.   Una, ayaw niya nang alak. Mas gusto niya ang kape. Pangalawa, hindi na tulad nang dati. Mas tahimik nuon. Wala masyadong kliyente. Mas madaming sosyal na hosts. Ngayon, parang pugad nang iba’t-ibang tao na namimili nang wine para sa pasarap lang.   No wonder nagpaupgrade na lang siya sa exlusive at sobrang mamahalin na VVIP.   - Sa Clove.   - Ang Clove ay nasa BGC. Isang high-end bar para sa mga mayayaman na gustong magsayang nang pera. Kilala sa upper class at karaniwang hang-out place kahit nang mga sikat.   Ang hindi alam nang nakararami ay may underground business ang Clove.     Pagmemay-ari nang isang mayamang pamilya. Ito ay itinayo dati para lang may makausap na mga tao ang nag-iisa nilang anak. Ang layo na nang narating nang Clove mula sa isang table lang hanggang sa maging bar.   Mula bar, gumawa sila nang tinatawag na VIP area. Muli, para masatisfy ang curiosity nang anak nila.   - At dun nagsimula ang dirty business nila.   - Ang VIP area ay ‘invites only’ na parte nang club kung saan ang mga myembro ay pwede pang mas magtapon nang pera para lang pumili nang host. Ang palitan dito ay paggamit nang alak. Ang VIP nang Clove ay may tinatawag na ‘island’ sa gitna kung saan nakadisplay yung mga alak na pweedng bilhin.   Kung gusto mo ‘kumausap’ nang host, kelangan mong pumili at magbayad nang alak para ipresenta sa kanya. Iba-iba ang presyo nang alak. Kung may bumili nang mas mataas ang presyo kaysa sayo at gusto rin kausapin ang pinili mong host, ikaw yung mapapatalsik on the spot, walang tanong-tanong.   So bakit mo sila kakausapin? Ano bang ginagawa nila? Nanjan yung inosenteng, usap lang talaga. Mula nangungulilang businessmen, divorced na lalake, hanggang sa celebrities na naghahanap lang nang saya – ang mga client nang Clove ay gumagamit nang wine para makipagdaldalan, makipaglandian, at sa ibang cases, makipagtalik sa mga host nila. Lahat lalake.At no, hindi ito wine na nakikita at nabibili mo sa local winery. Ang pinag-uusapan dito ay wines na nagkakahalagang thousand dollars hanggang sa kayang numbers nang calculator mo.     “Boss Dar, tulungan na po kita.” Isang waiter ang nagsabi. “Ikutin mo lang yung pinto.” Sabi ni Darian. Nakarating na siya sa dulo nang hallway. Itong bar na ‘to ay may detalyadong dingding at mga frames. Sa isang segundo lang, yung buong dingding na mukhang dead end kanina ay umikot, at isang entrance ang bumungad sa kanila. “Salamat.” Sabi ni Darian, at kinarga papasok si Dash. Hindi na sumunod yung waiter. Hindi kasi siya pwede. -   Ang VIP section ay tinatawag din na ‘Real Clove’.    - Pero kahit sa mga myembro nito, may mga hindi nakakaalam na meron pang ‘Private Clove’.   -   At nandun si Dar ngayon. Sa VVIP.   -   Kokonti lang ang nakaafford nang membership dito. Lahat ay stockholders. Merong politico, actors, at tycoons tulad ni Darian dito. At ang mga host ay hindi pipichugin.     - Ang haba nang nilakad niya pero finally nakarating na siya sa kwarto niya sa VVIP. Isang customized room na sila ang pumili. Kung anong nagpapasaya sa kanila, anong nasa imagination nila, mga pantasya nila. Inihiga niya si Dash nang dahan-dahan sa magarbo niyang canopy bed. Ilang buwan na rin mula nang may dalhin siya sa kwartong ‘to. Pero ready naman na siya magmove on. At mukhang itong host na ‘to ang rason para makapagsimula siya ulit. Ang galing talaga pumili ni Pierce. Tinaas niya yung braso ni Dash at hinawakan ang kamay niya. May mga bahid parin nang tsokolate at dahan-dahan, dinilaan niya, nilasap ang lasa nito.   - “Mphhh.” Ungol ni Dash.  - “Good boy.” Kuminang mga mata ni Dar habang pinapanood ang reaction ni Dash kung dilaan man niya o sipsipin ang daliri nito. Yung box ng chocolates nasa kama kasama nila. Sunod, dinilaan naman niya yung bahid sa gilid nang bibig ni Dash. Umungol tuloy lalo. “Gumising ka. Hindi ako bumalik sa Clove para hapagan lang nang lasing.” Tinanggal niya nang maayos yung t-shirt ni Dash at namangha siya na may abs ang payat na lalaking ‘to. Yung mukha, leeg at buong dibdib niya ay mapula siguro dahil sa kakainom. Binuksan din niya ang zipper at tinanggal ang pantalon. Tinitigan niya nang matindi at matagal yung nakaumbok na naghihintay sa kanya. Pinindot ito nang kaunti at halos masipa na siya ni Dash.   “Nong ginagawa mo?” lasing niyang tanong habang inaaninag si Dar.   “Ginagawa ang kailangan nating gawin. Kanina pa kita hinihintay dito pero nakikipaginuman ka lang pala sa mga kaibigan mo.” Tumayo si Dar at may kinuha na mga dokumento sa safe. “Kaya mo bang umupo? Gusto ko na ‘to matapos ngayon.”   Nainis lang si Dash at rumolyo sa kama, tinalikuran si Dar. Pinigilan ni Darian ang sarili niya para tanggalin yung nag-iisang tela na nagtatago nang… bare essentials ni Dash. “Kailangan mo muna pumirma. Hindi ako katulad nila. Sumusunod ako sa batas.” Nabilaukan na lang siya sa sinabi niya kasi di niya maalis yung mata niya sa maumbok na pwet na nasa harap niya.   Sa mga Clove stockholders, siya yung kilala bilang masunurin. Madami yung hindi sumusunod sa protocol na nagreresulta sa madaming argumento at sirang pagsosyo. Lahat sila may codename mula sa paborito nang may-ari – Greek mythology – at yun ang ginagamit nila para tawagin ang isa’t-isa. Confidential ito at hindi pwedeng may makaalam na konektado sila sa ganitong industriya. Ang Real at Private Clove ay strictly isang sikreto. Kung sino man ang sumira sa katahimikan nito ay mabibigyan nang mabigat na parusa.   Nilakad niya ang kamay niya sa hita ni Dash at pinaglaruan ang garter. "Come one, get up.” “Ano ba? Bakit ba  ang ingay mo? Akin na nga yan!” reklamo ni Dash, sabay tapon nang unan sa mukha ni Darian. “Palaban.” Sabi ni Dar. Hindi pa siya nakaencounter nang ganito kabastos na host dati. Lahat ay lumuluhod sa harap niya – literally.   Pinanood niya habang kinakamot ni Dash yung ulo niya at hindi man lang nagbasa. Dinrawing lang niya agad yung pirma niya sa ilalim ng pahina, tinapon sa kanya yung papel at ballpen, at natulog muli. Tiningnan niya yung pambatang sulat.   “Dash Caringal?” bulong niya. “Tama ba ‘to?”   May ilang buwan na rin simula nung tumigil pumunta si Darian sa Clove. Masakit para sa kanya pumunta dito, pero kinumbinsi siya nang nakababata niyang kapatid na bumalik para makalimutan yung nararamdaman niyang heartache. Hindi naman niya akalaing magdudusa siya nang dahil sa ex niya. Sa mismo sa kwartong ‘to siya nakaramdam ng hinanakit. Nakaranas siya sa tinatawag nilang ‘taboo’ – ang mainlove sa sarili mong host.   Yung kapatid niyang si Pierce, VVIP din. Madali lang para sa kanyang makapasok dito dahil may mga koneksyon na siya – bilang kaibigan nang anak nang may-ari at ito ngang kapatid niyang si Darian na naginvest nang malaking halaga sa club. Gusto ni Pierce na mag move on na yung kuya niya sa pamamagitan nang pagpili mula sa mga desperado sa VIP na pwedeng i-upgrade to VVIP. Yun nga lang, di naman pinansin ni Dar yung pinakita sa kanyang picture at di na niya maalala.   “I will never… again.” Naalala parin ni Dar yung sakit na pilit niyang gustong kalimutan. Umupo lang siya at sinuklay ang buhok ni Dash sa pamamagitan ng kamay niya.   Makintab, mukhang bine-baby. “Nakailang kliyente na kaya ‘to?” bulong niya habang tinitingnan yung natutulog na mukha ni Dash. Sabi ni Pierce, isang newbie ang ibibigay sa kanya, yung hindi pa nahahawakan nang nakararami.   Yumuko siya at kinagat yung dibdib na kanina pa siya inaakit. Gusto niya kung gaano kasensitibo si Dash. Kahit na ba respetadong myembro si Dar at isang stockholder, kokonti pa lang ang host na napunta sa kanya.     Yung nakaraan eh naging boyfriend niya.   Tumigil siya kakahalik sa katawan ni Dash. Twing sinusubukan niyang gawin ito sa iba, naalala lang niya kung gaano kafragile yung katawan na minahal niya. Napatigil na lang siya, tulala, iniimagine kung paano na lang kung hindi sila nagbreak nung boyfriend niya?       -   “Ano ba, gawin mo nang maayos.”    -   Napakurap si Dar. Sa ilang Segundo lang, magkalapit na yung mukha nila ni Dash, at hinila siya pababa para sa isang nang-aaway na halik.           Masyadong willing ang host na ‘to.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD