WALANG ingay na nakapasok siya sa loob ng bahay ni Roger. Tahimik ang kabahayan, tiyak na nasa loob ito ng silid nito dahil nga may sakit ito. Wala pa naman itong kasama sa bahay nito dahil nasa ibang bansa na ang buong pamilya nito. Dahan-dahan ang naging paghakbang niya. Napatigil siya sa paglalakad nang mapatingin siya sa isang picture frame na nakapatong sa itaas ng piano. Hindi niya mapigilang mapangiti. Litrato nilang dalawa iyon habang nasa beach silang dalawa ni Roger. They are happy that time. Kahit sinong makakakita ay masasabi mong mahal na mahal nila ang isat-isa dahil sa mga ngiti nila sa labi at kahit sino mapapaniwalang tunay silang nagmamahalan.. Lumakas ang pagkabog ng puso niya habang papalapit sa pintuan ng silid nito. Pipihitin niya na sana ang doorknob nang biglang may narinig siyang nabasag na nagmumula sa kusina. Agad siyang nagtungo doon. Nakita niyang nakayuko si Roger at pinupulot ang nabasag na mangko. Nang mag-angat ito ng ulo ay nagtama ang mga mata nila. Mapula ang buong mukha nito at tila pinipilit pang kumilos. Agad siyang lumapit dito at kinuha ang mga nabasag na piraso nang mangko.
“Ako na ang gagawa.” Turan niyang hindi makatingin nang diretso dito.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong nito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila nang mag-angat siya ng ulo.
“Nagugutom ka ba?” pag-iiba niya ng tanong. Tumayo ito at nilagay sa basurahan ang mga pinulot nito.
“I can manage. Hindi ka na dapat nag-abala pang pumunta dito.” Sagot nito. Inayos niya ang sarili bago siya kumuha ng walis at dustpan para tanggalin ang malilit na bubog. Nagulat pa siya nang biglang humarang ito sa dadaanan niya. “Bakit ka nandito?” tanong nito. Ramdam niya ang init sa kamay nito nang hawakan siya nito sa magkabilang braso. Napatitig siya dito. Maliit lamang na distansiya ang pagitan nilang dalawa.
“Nag-aalala ako.” Sagot niyang halos pabulong.
“Bakit?”
“Kailangan pa ba ng sagot kung bakit ako nag-aalala?” namumula ang mukhang tanong niya.
“Gusto kong malaman kung bakit ka nag-aalala. Kung bakit ka ngayon nandito?” tanong pa nito.
“Nag-aalala nga ako.” Sagot niyang naiinis. “Nag-aalala ako sa taong nagparamdam sa akin na mahalaga ako. Sa taong mahal ako at mahal ko.” Pag-amin niya dito. Lumuwag ang pagkakangiti nito sa sinabi niya.
“Mahal mo pa rin ako?” tanong pa nito. “Akala ko ba ayaw mo ng magmahal pa?”
“Kahit kailan hindi ka nawala sa puso ko. Kahit hindi ka nagpapakita sa akin, nararamdaman ko sa mga sulat mo kung gaano ako kahalaga para sa sayo, sa pamamagitan ng mga yon higit pa kitang nakilala. Higit pa kitang minahal, Roger.” Turan niya. “Kaya nang malaman ko na may sakit ka at ilang araw ka nang hindi pumapasok, nag-alala ako. Gusto kitang alagaan Roger. Gusto kong bumawi sa mga sakit na binigay ko sayo.” Naiiyak niyang turan.
“Akala ko mabobokya na ako. Alam mo bang pilit kong inaaliw ang sarili ko na mamahalin mo pa ako? Na hindi masasayang ang mga sulat na binibigay ko sayo kahit pa wala iyong sagot? Masaya na ako na nakikita kita mula sa malayo at matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Ang paniwalaan mo ako na mahal kita. Mahal na mahal kita, Karen.” Sagot pa nito kaya tuluyan na siyang napaiyak. Niyakap niya ito ng mahigpit..
Pinagluto niya ito ng lugaw dahil ayon dito ay hindi pa ito kumakain. Pinaupo niya muna ito habang nagpapakulo siya ng manok na ilalagay sa lugaw. Nakamasid lang sa kanya si Roger habang nagluluto siya.
“Akala ko ba hindi ka marunong magluto?” tanong nitong hindi makatiis. Akala niya hindi nito iyon mapapansin. Ngumiti siya nang lingunin niya ito.
“Lahat ng bagay ay natutunan lalo na kung gusto mo. Nagpaturo ako sa kusinera namin kapag wala naman akong tawag mula sa ospital. Gusto kong ipagluto ang lalaking mahal ako at mahal ko. Hindi dahil sa gusto ko siyang matuwa kundi dahil gusto ko siyang pagsilbihan.” Sagot niyang proud sa sarili. Umaga at gabi siya nag-aaral ng ibat-ibang putahe para dito.
“Ako ba yun?” tanong nito kaya lumapit siya dito. Hinalikan niya ang tungki ng ilong nito.
“May iba pa ba akong mahal bukod sayo?” pang-aasar niya.
“Magwawala ako kapag may mahal kang iba. Hindi ako papayag.” Sagot pa nito na parang bata.
Natawa siya sa sinabi nito. “Aba dapat lang, dahil ako hindi lang ako magwawala,makakapatay pa ako.” Turan niya kaya nagkatawanan silang dalawa. Hinapit siya nito sa bewang at niyakap siya mula sa likuran.
“I miss you, babe.” Bulong nito sa kanya.
“I miss you too. Hindi ko nga naintindihan ang sarili ko kung bakit kita natiis nang ganito. Malapit na nga akong mabaliw sa sobrang pangungulila sayo.” Sagot niya dito. Hinalikan siya nito sa buhok habang hawak ang mga kamay niya. “You showed me what true love really is. I thought I would never find someone who love me the way I needed to be loved. Its hard to tell your mind to stop loving someone when your heart still does..” Pahayag niya pa sa nararamdaman.
“Sabi ko naman sayo diba? Papatunayan kong mahal kita at hindi kita sasaktan. Handa akong maghintay kung kailan ka magiging handa at kung kailan mo ako papasukin sa puso mo.” Sagot pa nito. Humarap siya dito. Nararamdaman niya sa mukha nitong mahal na mahal siya nito.
“Matagal ka nang nakatago sa puso, iningatan at minahal. Natakot lang akong magtiwala dahil kay Steph. Alam ko kasing hanggang nandiyan sa puso mo si Steph hindi mo ako kayang mahalin. Siguro naman ngayon ako nalang ang nasa puso mo?” tanong niya pa.
“Di ba cardiologist ka? Bakit hindi mo tingnan at nang nakita mo ang pangalan mo sa puso ko? I’m sure maririnig mo ang sinisigaw nito, araw-araw.” Turan pa nito kaya natawa siya.
“Hindi na kailangan, mamaya hindi ko pa maibalik ng tama at pangalan ni Steph ang muli mong hanapin.” Pairap niyang sagot.
“Hindi na yan mangyayari pa. All I ever wanted was more and more of you.” Turan pa nito. Napangiti siya sa sinabi nito nang bigla niyang maalala ang niluluto.
“Bago pa tayo langgamin kumain kana muna at nang gumaling ka na sa lagnat mo.” Natatawa niyang turan bago humiwalay at pinatay na ang niluluto. Naglagay siya ng lugaw sa bowl pagkatapos niya iyong timplahan. Nilagay niya iyon sa harapan ni Roger.
“Mukhang masarap ah.” Puri nito pagkatapos amuyin.
“Sana magustuhan mo.” Nakangiti niyang wika.
“Tiyak na gagaling na ako dahil nandito na ang babaing mahal ko.” Wika pa nito bago siya kinindatan kaya pinamulahan siya ng mukha. Inirapan niya ito. Napapitlag siya nang mag-ring ang cellphone niya. Si Cathy ang tumatawag. Saglit lang siyang lumayo kay Roger upang kausapin ang kaibigan. Malungkot siya nang bumalik kay Roger. Magana itong kumakain nang inihanda niya. Agad naman nitong napuna ang pagiging malungkot niya.
“May problema ba?” tanong nito pagkatapos niyang umupo malapit dito.
“Kailangan ako sa ER.” Malungkot niyang wika. Gusto niya pa sanang alagaan ito pero hindi niya magawa.
“Bakit malungkot ka?” nagtataka nitong tanong.
“Ayaw sana kitang iwan. Syempre gusto kitang alagaan at makasama.” Sagot niya. Napangiti ito at inakbayan siya.
“Thank you, but I understand. Don’t worry okay na ako. Masaya na akong nandito ka ngayon. Magkikita pa naman tayo, right?” tanong pa nito.
“Oo.” Sagot niyang nakangiti.
“Wag kang mag-alala tiyak na magsasawa ka na palagi sa mukha ko.”
“Hindi yan mangyayari. Sa gwapo mong yan pagsasawaan kita?” turan niya dito.
“Sige bolahin mo pa ako at hindi ka na talaga makakaalis pa ng bahay ko.” Sagot nito. Kaya napangiti na siya. Tumayo na siya at nagpaalam dito. Kulang nalang hindi siya makahinga sa mahigpit nitong pagyakap sa kanya bago siya pakawalan.
***************************
WALA nang mas sasaya sa pagbalik ni Karen sa buhay niya. Hindi niya sasayangin pa ang mga araw na malayo dito. Agad niyang tinawagan ang mga magulang sa Amerika upang sabihin na magpropose na siya sa babaing mahal niya. Sinundo niya ang mga ito sa airport kasama ang isa niyang kapatid na si Rene.
“Seryoso ka na ba dito kuya?” tanong sa kanya ng kapatid niya. Nginitian niya ito.
“Oo naman, kung pwede nga lang na kasal na agad, gagawin ko pero syempre ayoko naman siyang biglain.” Sagot niya sa kapatid habang naglulunch sila sa isang mamahaling restaurant.
“What about your schedule as a doctor? Kaya mo na ba talagang maging ama at asawa? Naalala mo na ba dati sa ex mo, wala kang oras sa kanya kaya naman iniwan ka?” paalala sa kanya ng ama na ang tinutukoy ay si Steph.
“Naiintidihan niya ako pa, at isa rin siyang doctor.” Sagot niya. Sa tingin niya naman wala silang magiging problema ni Karen dahil lang sa mga propesyon nila sa buhay. Mahal nila ang isat-isa at iyon ang panghahawakan nila. Napangiti ang ama niya sa sinabi niya.
“So kailan ang kasal? Agad na tanong ng ina niya.
“Soon ma, hindi na makapaghintay ang binata niyo.” Sagot niyang masayang-masaya.
Agad siyang nag-organized ng engagement party na lingid kay Karen. Isang linggo pa lang silang nagkabalikan simula nang magkalabuan sila nito at ngayon wala na siyang sasayangin pang panahon na magkalayo sila. Kinutsaba niya rin ang mama ni Karen para ito mismo ang magdala sa lugar na pagdadausan ng engagement party nilang dalawa kaya naman maaga palang ay abala na siya sa paghahanda.
******************************
Hindi mapigilan ni Karen na mapakunot-noo sa biglaang tawag ng Mama niya. Mag-ayos daw siya at may pupuntahan silang party. Nasa clinic siya nang mga oras na iyon. Tinanong niya dito na kung pwede ay isama nila si Roger pero tumanggi ito. Girl’s night out lang daw iyon. Kailan pa nahilig ang mama niya sa girl’s night out.
“Anong ganap?” tanong sa kanya ni Cathy.
“Magbihis ka at kasama ka sa girl’s night out na sinasabi ni Mama.” Sagot niya dito.
“At kaya ka malungkot dahil hindi kasama si Dr. Martin ganoon ba?” pang-aasar pa nito.
“Gusto ko sana siyang yayain dahil weeksary namin ngayon.” Sagot niya ditong napabungtong-hininga.
“Weeksary? Ano yan si Alden at Yayadub? Nakakaloka kayo, para kayong mga bata!” natatawa nitong sagot sa sinabi niya. Ano ba ang masama sa pagcelebrate ng weeksary? Eh, mahalaga sa kanya yun.
“Wag kang bitter! Kapag mahal mo, lahat ay ececelebrate mo dahil lahat ng araw na magkasama kayo ay mahalaga.” Turan niya pa.
“Ikaw na!” bulalas nitong sagot.
“Hindi! Magbihis ka na!” turan niyang natatawa nang biglang sumakit ang ulo niya. Bigla siyang napaupo nang makaramdam ng pagkahilo.. Sa labis na pagkahilo ay nasundan iyon ng pagsusuka at nawalan na siya ng malay. Mabuti nalang at nakahawak sa kanya si Cathy dahil kung hindi tiyak na bumagsak siya. Agad nitong tinawagan ang mga resident’s nurse niya at dinala siya sa ER.
*******************************
NAG-AALALANG mukha ni Roger ang bumungad sa kanya nang idilat niya ang mga mata. Medyo maganda na ang pakiramdam niya hindi tulad kanina. May mga tao din sa paligid niya. Ang isa ay kamukha ni Roger, nasa tabi niya rin ang ina at isang babaing may katandaan at may lalaking halos kaedad lamang ng mama niya. Nakangiti ang mga ito sa kanya. Naramdaman niya ang paghawak ni Roger sa kamay niya. Isa-isang pinakilala ni Roger ang mga kasama nito at nalaman niyang ang pamilya pala nito ang kasama nito ngayon.
“Kumusta ang baby natin?” tanong niya dito pagkatapos niyang batiin ang mga magulag nito. Nagulat ang mga ito sa sinabi niya lalo na si Roger. Maging ang ina niya ang nabigla sa tanong niya.
“Buntis ka?” tanong ni Roger sa kanya. Sasagot sana siya dito nang dumating ang doctor na sumuri sa kanya. Kagabi niya lang nalaman na buntis siya nang maalala niyang hindi pa siya nagkakaroon ng dalaw kaya nagprenancy test siya at tama ang hinala niya. Buntis nga siya.
“Congratulations Dra. Borromeo. You are two months pregnant.” Wika ng ob-gyne na sumuri sa kanya kanina. Tumayo si Roger at hinarap ang doctor na nagsasalita.
“Magiging daddy na ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Roger.
Nabigla pa ang doctor sa sinabi ni Roger. “Yes Dr. Martin, magiging daddy ka na. Sintomas ng isang buntis ang naramdaman niya kanina kaya siya nahilo.” ulit pa ng doctor kaya sumigaw nang pagkalakas-lakas si Roger. Akala mo tumama ito sa lotto bago siya binalikan at basta nalang hinalikan sa labi kahit pa maraming tao sa paligid.
Hindi niya mapigilang matawa sa reaksiyon nito. “Hoy Dr. Martin bago ka magdiwang diyan pakasalan mo muna ako. Hindi ako papayag na lumabas itong baby natin na hindi tayo kasal.” Turan niya kay Roger.
“Buntis ka pala hindi ko man lang nalaman. Hindi ko man lang nalaman na magkakaapo na ako” Pagtatampo ng mama niya.
“Late ka na kasi nakauwi kagabi, ma.” Sagot niya sa ina. “At kagabi ko lang naman nalaman.”
“Hoy, Roger. Magpropose ka na at napurnada ang balak mo kanina! Wag ka ng magbalak pang umurong dahil hindi ka na makakalabas pa ng silid na ito.” Turan pa ng mama niya.
“Anong balak?” kunot-noo niyang tanong at tiningnan si Roger. Nagulat pa siya ng kunin nito ang kamay niya at isinuot nito sa kamay niya ang singsing.
“Maghapon akong naghanda para sa proposal na ito.Pinauwi ko pa ang mga magulang ko at kapatid para lang masaksihan nila ang mahalagang bagay na gusto kong gawin. Pati ang mama mo ay kinutsaba ko rin na dalhin ka sa lugar kung saan ako magpro-propose sayo pero hindi nangyari dahil nahilo ka nga but despite of everything I’m happy.” Turan nito. Ito pala ang may pakana sa girls night na yun. “Masayang-masaya ako ngayon dahil hindi lang ang babaing mahal na mahal ko ang makakasama ko kundi magkakaroon na ako ng anak sa babaing mahal ko. Sa babaing pag-aalayan ko ng buong buhay ko. Will you marry me, Karen?” seryoso ang boses na tanong nito sa kanya. Kung hindi lang siya nakahiga baka tumalon na siya sa sobrang tuwa. Sayang lang at hindi niya nasaksihan ang proposal na inihanda nito. Nag-unahan ang pagbagsak ng mga luha niya.
“Thank you for being the best in the world. I can’t imagine how my life would be without you. Yes Roger, I will marry you.” Umiiyak niyang sagot. Umupo ito sa hinihigaan niya at kinantilan sila ng halik sa tungki ng kanyang ilong. “I love you.” Bulong niya dito.
“You filled my life and no matter what happened and how long we will still have to be apart. You will always be in my heart.. I love you too.” He answered and sealed it with a kiss.
“The only one for me is you, Roger.” She said.
Alam niyang simula sa oras na iyon ay ang walang hanggang pagmamahal nila.
END