Maagang nagising si Anna upang makapaglibot-libot sa resort na ito. Nanghihinayang siya pero hindi niya ito sinasabi sa iba. Masama ang pakiramdam niya ukol sa bakasyong ibinigay sa kanila. Naglalakad-lakad lang siya nang makaabot siya sa 2nd floor ng resort. Sa isang transparent na salamin ay nakita ni Anna ang gym. Sa loob ng gym ay nakita nya ang babaeng kaklase niya na tumatakbo sa treadmill. Namamangha siya dahil seryoso ang kaklase niya ito dahil kilala sya na masayahin. Napaatras si Anna nang bigla siyang nilingon ng kaklase niya. Tumigil ang kaklase niya sa pagtatakbo at pinunasan ang pawis niya. Lumapit yung kaklase niya sa kanya ngunit hindi ito lumabas. Nakangiti lang siya habang umiinom ng tubig at mariing tinititigan siya. Kinilabutan si Anna nang maramdaman niyang may t

