[4]

2007 Words
Danielle's POV Hay nako! Ang bagal kumilos ng matandang to! Nakakabwiset! "Pakibilisan naman. Nagmamadali ako" inis na sabi ko. Napatingin siya sa akin na may awa sa mukha. Para saan naman yang mukhang yan?! Sipain ko yan eh! Ibinigay na niya sa akin ang chichirya na binayaran ko kanina pa. Hinablot ko mula sa kamay niya at inirapan pa siya bago umalis. Habang patawid ng kalsada, napansin kong nawawala na doon yung lalakeng nerd. Fudge. Asan na siya?? Naglakad ako sa pwesto kung saan ko siya iniwan at nakita ko ang bag ko na nakakalat doon. Kinuha ko ito mula sa sahig at isinabit. Inis na naglakad ako papaalis. Lagot sa akin ang lalakeng yun. *** Diane's POV "Hey. Have you heard? Nawawala daw si Hans na kaklase naten?" "Eh? Sino yun?" "Yung nerd na laging binubully!" "Ah. Sus. Wala akong pake" Yan ang usapang tumumbad sa amin pagkapasok ng classroom. May nawawala kaming kaklase? Napansin ko nga.. nawawala na yung nerd na laging binubully ng isang linggo. Akala ko nagkasakit, yun pala nawawala na siya. "Hey! Would you stop murmuring?" inis na sigaw ni President sa mga nagtsi-tsismisan. Napatungo yung mga sinigawan ni Pres at mabilis na umalis. "Kung magbubulungan kayo, pwede bang walang nakakarinig?! Kaya nga BULUNGAN diba??" dagdag niya pa bago bumalik sa kanyang gawain. Tumakbo papunta sa akin si Tiara. "Hoy Diane! Narinig ko yung mga sinabi nila! Baka kasalanan ko kasi.. kasi hindi ko siya pinahiram ng ballpen! Nakooo!" nagpapanic na sigaw ni Tiara sa akin. Napairap ako sa kanya. "Wag ngang OA, Tiars. Siguradong wala kang kasalanan sa pagkawala niya." Nakahinga naman ng maluwag si Tiara. Bumalik na siya sa dati niyang upuan. "Uhm.. Hi Diane. Diba marunong ka naman sa Algebra natin ngayon? Pwede mo ba akong i-tutor?" Napatingin ako kay Renz na tumabi sa akin at may hawak-hawak na libro na puno ng math equations. Nasapo ko ang ulo ko. "S-sige na nga. Pero wag mo kong sisihin kung wala kang maintindihan ha?" Nakangiting tumango-tango naman siya.  *** Kakatapos lang ng P.E. class namin at papunta na ako para magpalit sa girls' locker room. "Hintayin ka na namin dito, Diane" sabi ni Tiars at kinawayan ako. Nginitian ko naman siya bilang tugon. Papalapit pa lang ako sa locker room ay tumama agad sa akin ang masangsang na amoy. Napatakip ako ng ilong. Ambaho naman! May tumae ba? Fudge! Pero dahil kailangan ko talagang magbihis ay binuksan ko ang pintuan para makapasok. Ngunit tumindig ang balahibo ko sa nadatnan ko. Hindi ko maiwasang mapasigaw ng malakas nang makita ang eksena. Mukhang narinig ng iba kong kaklase dahil nagsilapitan sila sa akin. "Anong nangyayari??" "Bakit ka sumigaw, Diane?" nag-aalalang tanong ni Tiara. Nanlalaki ang mga mata't nanginginig kong tinuro ang loob ng locker room. Sumilip sila sa loob at.. "AHHHHHHHH!!!" "WHATDAHELL?!" "OMYFUDGING GAHD!!" "B-baket..." Dahil sa maingay na komosyon namin ay nakaakit kami ng atensyon ng maraming estudyante at guro. Lahat sila'y nagtataka kung bakit lahat kami ay sumisigaw. "P-patay na si Hans.. patay na.." mahinang sabi ko. Hindi ako makapaniwala. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong eksena.  Biglang napaiyak ang iba naming kaklase sa nakita. Hindi dahil naaawa sila kundi dahil ngayon lang sila nakakita ng patay at hindi sila sanay. "D-diane.. halika na" nanginginig na sabi ni Tiara at hinila na ako paalis. Bumalik na kaming lahat sa classroom dahil nagsidatingan na ang mga pulis. Nakakapanibago dahil ang tahimik ng buong klase. Pumasok ang sumunod na guro at napansing tahimik kami. Bigla siyang napabuntong-hininga at nasapo ang kanyang ulo. "Class, I'm sorry for your loss. H-he was one of our smartest students but unexpectedly, he has to be brutally killed. But class, I've got something to tell you that I found out earlier. When the police we're examining the dead body, they found a note sticking out from his pocket. And I don't know why but it said.. 'Nagsisimula na ang laro 10-Neon'" Lahat kami ay natuon ang pansin sa sinabi niya. Siguradong pare-parehas kami ng iniisip ngayon. Anong laro? "Okay! Other than that, no information was found. Now let's go back to our previous lesson.." Hindi ko namalayang hindi na pala ako nakikinig sa nagtuturo. Masyadong lumilipad ang utak ko sa mga nangyayari sa paligid. Ngunit isinantabi ko na rin ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko. Siguradong nagkataon lang yun. Wala lang ang lahat ng to. *** Breaktime na at walang kahit sino ang lumabas ng kwarto. Taas-babang nagpunta si Pres sa harap. "Sorry my fellow classmates, hindi muna kayo makakalabas ngayon. Gusto ko lang i-clear ang lahat. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari sa kaklase naten" Some groaned and others scoffed. "What's it to you? Wala ka namang pakialam sa amin diba?" walang ekspresyong tanong ni Trixie, ang isa sa mga kaklase namin. Hindi ko alam kung namalikmata ba ako o hinde, pero parang nakita kong nasaktan si Pres sa sinabi niya. Pero kung gaano kabilis itong nagpakita ay ganun din siya kabilis na nawala. "Ahem. Mas who you ka samin!" pagtataray ni Raniel. Nanahimik na lamang ulit si Trixie sa isang tabi. "Sino ang pinakahuling kasama ni Hans bago siya nawala?" matigas na tanong ni Pres. Nagkatinginan kaming lahat, kinakabahan. Hindi ko rin alam kung bakit ako kinakabahan, mukhang natatakot lang ako na isa sa amin ang pumatay sa kaklase namin. Hindi ko matatanggap yun. Isa sa amin? Mga bata pa lang kami. Ngunit isa sa amin ay marunong ng pumatay? Sumasakit ang ulo ko. Teka nga. Bakit ko ba iniisip na isa talaga sa amin ang pumapatay? Matapos ng mahabang katahimikan, nagtaas ng kamay ang isa naming kaklase. "A-ako. Kasama ko siya last week habang pauwi ng bahay namen. Bumili lang ako sandali ngunit paglingon ko ay wala na siya" seryosong kinakabahan na sabi ni Danielle. Mapupungos at matatalim na tingin ang ibinigay namin sa kanya kaya't napaatras siya. "Ikaw? Ikaw siguro ang pumatay sa kanya noh??" pamimintang ni Raniel. Nanlaki ang mga mata ni Danielle sa ginawang pagbibintang sa kanya. "H-hinde--" "Ikaw nga! Bakit ka kinakabahan, aber?! Napaka-defensive mo pa! Mamamatay-tao ka!!" dagdag pa ni Raniel habang may galit sa kanyang mga mata. "Dahell! Hindi ko ninais na magkaroon ng killer na kaklase! Mahiya ka sana! Hindi ka nababagay dito!" Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Raniel. Napaka-OA naman kasi ng reaksyon niya. Dahil lang ba magkasama sila bago ang pagkawala ni Hans ay ibig sabihin, pinatay na niya. "Ang sinumang lumapit sa babaeng to ay sisiguraduhin kong matatanggal sa eskwelahang ito!" pasigaw na sabi niya bago magwalk-out. Dahil sa kanyang pagbabanta ay natakot ang mga kaklase ko. "Okay. Dimissed" utos ni Pres bago umalis sa harapan at lumabas na rin ng kwarto. Nagsimula na nilang layuan ang sinasabing 'killer'. Napabuntong-hininga ako. Nakakaawa naman siya. Nabiktima siya ng OA of the year. Alam ko sa sarili kong inosente siya...dahil bakas naman sa mukha niya. At pakiramdam ko rin naman na hindi siya masamang tao. *** Matapos ng dalawang araw ay hindi na nila pinapansin ang kaklase naming si Danielle. Mukhang takot na takot silang mapaalis sa eskwelahang ito. Naaawa na ako sa kanya. Kung dati si Hans ang binubully, ngayon naman ay siya. Siya lagi ang pinagkakatuwaan lalo na ang mga itunuturing niyang 'kaibigan' Lagi na lang siyang mag-isa at nagbabago na rin siya. Nagiging tahimik at parang nawawalan na ng ganang pumasok araw-araw. Naririnig ko rin minsan ang pag-iyak niya sa likod ng klase. And.. sa dalawang araw rin na yun ay mas lalo kaming naging sarado ni Renz. Uhm.. okay ang korni. Ibig kong sabihin ay mas nagiging 'close' kami. Palakwento pala siya at nakakatuwa. Masaya siyang kasama dahil hindi siya titigil sa kakadak-dak kapag kasama mo siya. Tumunog na ang bell para sa lunch time. Hindi na ako nakatiis at napabuntong-hininga na lamang. Tumayo ako at nilapitan ang nag-iisang kaklase namin sa sulok ng classroom. Tahimik lang siya at nakatingin sa kawalan kaya't umupo ako sa tabi niya. Napatingin naman siya sa akin at biglang tumalim ang tingin. "Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na kung ayaw mong mapaalis sa eskwelahang ito" Walang kabuhay-buhay ang mga salita niya. Sobrang nagbago siya sa dalawang araw na ito. "Ayoko. Paki ko kung maaalis ako? Marami pang ibang eskwelahan dyan. Pero ikaw.. kailangan mo ng kaibigan" Napangisi siya. "Kaibigan? Sus. Hindi ko na kailangan ng kaibigan. Mas magandang nag-iisa ka lang. Hindi ka masasaktan ng mga taong pinagkatiwalaan mo noon" Napailing-iling ako sa sinabi niya. "Look. People come and go. Nawalan ka man ng mga kaibigan ngayon, siguradong may papalit sa pwesto nila" Lumambot ang mukha niya sa sinabi ko. "Sinasabi mo bang.. ikaw ang papalit?" Nginitian ko siya. "Why not? Kapag may taong nangangailangan ng tulong, andito ako bilang kaibigan para tulungan sila."  Tuluyan na siyang napaiyak sa sinabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinayaang umiyak. Kailangan niya to. Kailangan niya ako. Kailangan niya ng kaibigan. SOMEONE'S POV Madilim na. Hindi ko alam kung bakit kami nasa kalsadang walang katao-tao. Alam kong tanga na kung bakit ako nagpahila papunta dito, pero may mahal ako sa buhay na hawak-hawak niya sa leeg. Wala akong magagawa kundi sundin ang mga utos niya. "A-anong ginagawa natin dito.." nanginginig na tanong ko. "Gusto ko lang namang ng pera. Alam mo na. Gusto ko ng bagong cellphone" kamapanteng sabi niya. Napakunot ako ng noo. "P-pera? Sorry.. wala rin kaming pera ngayon" mahinang sagot ko. Nabaling ang tingin niya sa akin at kita ang galit sa mukha niya. "Pwes maghanap ka ng paraan! Gusto ko ng pera!" Itinulak niya ako kaya't napatumba ako sa sahig. Naramdaman ko ang matalim na bagay na tumutusok sa braso ko. Nakakita ko ng isang malaking bubog kaya't agad ko itong kinuha at itinapat sa kanya. "W-wag mo akong lalapitan! Ayoko na! T-tama na please.. Hindi ko na kaya." Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Napaka-makasarili siyang tao. Kung ano ang gusto niya ay gusto niya itong makuha. Lagi siyang gumagawa ng paraan para lang makuha ang bagay na ito. Hindi ko na kaya.. matagal na niya akong tinatrato na ganito. Dahil lang ba minahal ko siya dati ay kinuha na niya ang pagkakataong yun para pagsamantalahan ako? Ngayon, nalaman kong napakasama niyang tao. Nagsisisi akong minahal ko siya at nangakong gagawin ko ang lahat. "Baket naman hindi? Diba mahal mo pa rin ako?" nakangisi niyang sabi. Nanginginig na tumayo ako sa lakas-loob na sumagot sa kanya. "Hindi na kita mahal! Ngayong nalamang kong masama kang tao! Plastik!" naiiyak na sigaw ko sa kanya. Napangiti siya. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong yan? Paano naman ang pinakamamahal mong kapatid?" palabiro niyang tanong. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ang kapatid ko.. Mas tumulo ang mga luha sa mata ko. "Ibalik mo na ang kapatid ko. Maawa ka.."  "Huh! Pagkatapos mo siyang ibigay sa akin dahil lang sa 'pagmamahal' mo?" Tuluyan na akong nagalit sa kanya at tinama ang bubog na hawak ko sa mukha niya. Nabitawan ko ang bubog dahil nagdugo ang kamay ko dahil sa pagkakahawak ko ng mahigpit dito. Napatingin ako sa kanya at umaapoy sa galit ang mga mata niya. Nagdudugo ang gilid ng mukha niya dahil sa ginawa kong pagtama ng bubog sa kanya. "Pagsisisihan mo ang ginawa mo." Dahan-dahan ay inikutan niya ako. "Alam mo bang binenta ko na ang kapatid mo?" Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "O diba! May silbi naman pala ang napakaingay mo na kapatid." Tuloy-tuloy na akong lumuha habang nararamdaman ko ang poot at galit ng dahil sa kanya. "Siguradong kinakatay na siya ngayon at ginagawang pulutan. Hahaha!" Last straw. Nandilim na ang mga mata ko sa galit. Wala na akong maalala sa susunod na pangyayari. Ngunit nararamdaman ko ang sarili kong unti-unting nababaliw. Natutuwa sa bawat sigaw na inilalabas niya. Ang lalakeng nagpahirap sa akin ng ilang taon. Tuwang-tuwa ako habang pinaglalaruan ang pulang likido na dumadalo sa mga kamay ko at tumatalsik sa damit ko. Masaya pala ang ganito. *** A CIVILIAN IS DEAD.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD