Kinabukasan, naligo si Phlengkwan, nagbihis, at naghanda para sa paaralan. Habang naglalakad siya pababa sa harap ng dormitoryo upang maghintay ng kanyang masasakyan, nakita niya ang isang mamahaling sports car na nakaparada sa harap kasama ang may-ari nito na nakasandal dito, naka cross ang mga braso sa tapat ng dibdib . Ngayon, si Mawin ay nakasuot ng student shirt na may nakarolyong manggas at maong na hindi nakatuck. Ang guwapo nya kahit ano pa ang isuot niya. "Ano'ng ginagawa mo dito nang ganito kaaga, brother Win?" tanong ni Phlengkwan sa matangkad na lalaki habang nilapitan niya ito. "Nandito ako para ihatid ka sa paaralan. Mula ngayon, ako na ang magiging araw-araw mong tsuper. Sige, sumakay ka na." Sabi ni Mawin habang inanyayahan si Phlengkwan na sumakay sa kotse sa isang maga

