"Bitiwan niyo ako"
Dinala ulit nila ako sa kwarto ko.
" Bakit ba? Ano ba ang kasalanan ko sayo para gawin mo sa akin ito."
" Ikaw! kung hindi ako magkakaanak dahil sa ginawa mo ikaw ang may kasalanan."
" Kasalanan mo dahil binalaan kita."
" Manang lutuan mo nga ako ng iba't-iba putahe na may itlog para naman kahit papaano mabawi naman yung binasag niyang itlog ko."
Ewan ko kung maaawa ako sa kanya dahil sa ginawa ko o matatawa ako sa mga sinabi niya.
" Masusunod po master."
"Bakit mo ba ako kinukulong. Anong rason."
" Ikaw magpakabait ka naman sa akin kahit minsan lang. Nakikiusap ako sayo please lang habang mabait ma ako. Pero kung sasagarin mo ako. Makikita mo talaga kung sino ako."
Hindi na ako nagsalita pa dahil sa mga sinabi niya.
" Kailangan ko nang maligo."
Pagkasabi ko nun ay hindi pa rin siya lumalabas.
" Ang sabi ko kailangan ko nang maligo."pag uulit ko
" Edi maligo ka"
" Paano ako makakaligo kung nandito ka."
" Hindi ako lalabas dito dahil baka magtangka ka na naman."
" Hindi na ako magtatangka promise." nagtaas pa ako ng kamay ko.
" Hindi na ako naniniwala sa mga promises mo."
" Ayaw mo di huwag, basta lumabas ka na. Kung gusto mo akong bantayan. Maging bodyguard ka diyan sa labas ng pintuan." utos ko sa kanya.
" Makikita ko naman iyan soon kaya dito na lang ako. Gusto mo unahin na nating maghoneymoon bago ang kasal."pagtutukso niya sa akin.
" Manyak, manyak, manyak, manyak." sabay pinagpapalo ko siya ng unan.
" Tama na tama na." pigil niya sa akin.
" Lumabas ka na kasi.!" sigaw ko
" Eto na. Kailangan pa bang paluin ako ng unan.
Inaksyonan ko ulit siya kaya naman lumabas na din siya.
Tinignan koang muna ang mga damit na nasa maleta para naman maiprepare ko ang gagamitin kong damit saka ako maliligo.
Pagkatapos kong naligo ay may kumatok sa pintuan ko.
" Ano iyon?" tanong ko
" Ma'am sa baba na daw po kayo kumain ma'am."
" Sige pababa na ako."
Buti naman at naging mabait na siya sa akin.
Bumaba na ako at nagtungo sa dining area. Bumungad sa akin ang mga pagkain na nilagang itlog, pritong itlog na scrambled egg at sunny side up, adobong na may itlog, chapsuy na may itlpg na toppings at madami pa na may itlog.
" Baka naman pati ako tutubuan na ng itlog sa dami ng itlog na to." pagrereklamo ko
" Kasalanan mo ito, dahil sayo baka mawawalan ako ng lahi, mawawalan ako ng tagapagmana ko."
Hindi ko na siya pinansin dahil sa galit ako sa kanya. Tahimik na lang akong kumain para mabilis akong kumain at di ko na siya makita. Dumeretso na ako sa kwarto ko para magpahinga.
Kinaumagahan sa dining ulit ako nag almusal. Buti di na niya inilock ang pintuan ko.
" Wow ah, ang aga mo naman ngayon. Nga pala aalis ako ngayon. May ipapabili ka ba sa akin."
Wow ang bait niya naman ngayon.
" Yung cellphone ko nasaan."
" Nasa akin pero di ko ibibigay sayo."
" Bakit ano ba ang kinakatakutan mo"
" Wala naman pero ayoko lang na sirain mo ang plano ko para sa kasal natin."
" Siguro iniisip mo na tatawag ako nang tulong para makaalis dito. Tama?"
" Bakit hindi ba?"
" Oo tama ka. Pero bored ako eh, Magiging mabait ako sayo. Promise, pero gusto ko naman sana na ilibot mo naman ako dito sa isla mo para naman kahit papaano may remembrance ako bago ako magpakasal sayo."
Pagkatapos siguro nang kasal magiging malaya na siguro ako sa kanya. At dahil sa ginawa niya sa akin. May rason na ako para pabagsakin siya.
Hindi alam ng mga magulang ko kung ano ang naging buhay ko sa New York, Pati si Marc wala din siyang alam. Iyung mga inilalagay ni daddy sa account ko na pera ay iniinvest sa isang sports car company kaya naman hanggang sa lumaki ang pera ko ay nagplano akong magpatayo din ng sarili kong kumpanya ng walang nakakaalam. Pagkatapos naming nag-aral ni Marc ay ipinagpatuloy ko ang ko ang plano ko. May mga sports car ako na nasa private na bodega ko. Hindi nila alam na ang kumpanya ko sa abroad ang sikat na sikat at madali ko itong naexpand. Sa ngayon ko lang ito napapabayaan dahil sa misyon ko. At para naman magkaroon ng iba pang mga ideas sana, pero ang hindi ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari. Kaya kapag nakalaya ako dito. Babanggain ko talaga siya kahit magkaubusan kami ng pera.
" Pag-iisipan ko."
" Mababagot naman ako dito." pagtatampo ko.
" Sige pero huwag na huwag kang magtatangkang tumakas kundi."
" Oo di ako tatakas. Bukas, aasahan ko bukas. Busog na ako. Akyat na ako." At tumayo na ako para di na magbago pa ang isip niya.
Hindi ko akalain na may ganito pala dito sa isla. Mayroon ditong isang nakagandang falls at mayroon ding kweba sa loob ng falls.
" Wow ang ganda naman dito."
" Syempre. Bibili ba ako ng isla na hindi maganda."
Pinuntahan namin ang kweba at grabe sobrang daming paniki. Sa hindi sinasadya ng paniki ay nahulugan ng tae ang ulo si Monmon.
" Yuck hahahaha." tawa ako ng tawa
" Grabe ang sama mo sa akin."
" Sorry, nakakatawa kasi hahahahaha" di ko talaga mapigilan ang tawa ko.
Bumalik na lang ulit kami sa pangpang. Nang malapit na kami ay bigla na lang siya tumalon sa tubig. Siguro nandidiri na siya kaya nagpasya na siyang maligo.. Napatalon na din ako kaya naman sinabayan ko na siya.
" Di ko akalain na marunong ka palang lumangoy."
" Pang-iinsulto ba yan o compliment." tanong ko.
" Both hahahahah. " pang aasar niya sa akin.
" Walang hiya to." At nagpatalsik ako ng tubig papunta sa kanya at ganun din ang ginawa niya sa akin.
" Tama na. suko na ako. ayoko na" pagsusuko ko. Kasi na naman, mas malakas siya magsaboy ng tubig kesa sa akin.
" Ikaw nauna eh"
" Madaya ka kasi." pagrereklamo ko."
Nagtapos ang araw namin na masaya.
Kinaumagahan ay naglibot ulit kami sa isla at grabe di ko ulit inaasahan na may ganito pala ulit dito.