Nakwento ko na din sa kanila ang tungkol sa kasal at doon sa pagpapanggap ko.
" What do you mean gagawa ka ng paraan para mabayaran ang utang nv daddy mo para di ka makasal sa lalaking yon. Pumayag ba siya sa desisyon mo."
" Oo mommy tsaka ang sabi niya ay dalawang linggo para makabayad ako sa utang ni dad. Pero sa tingin ko mahihirapan akong mabuo ng 850 milyon."
Madaming sports car na ang mabibili non. Siguro gagamitin niya ang pera sa pagpaparenovate ang isla.
" Anong plano mo anak." pag aalala ni mommy
" Ibebenta ko yata ang mansyon natin sa Davao. Para makadagdag sa pambayad. Pati na din kaya yong Mansion sa Canada. What do you think mommy." tanong ko kay mommy.
" Si mommy mo lang ba talaga ang tatanungin mo. at talaga nakalimutan niyo na yata ako na nandito ako."reklamo ni daddy
" Si daddy talaga matampuhin." reklamo ko din.
" Nga pala, Kung ibebenta mo okay lang sa akin, basta masaya ka anak para di ka maikasal sa kanya, Okay lang. Tsaka sana naman magiging maayos din kayong dalawa ni Vince Zymon."
" Sigurado ako na nahook mo na siya. Ikaw pa eh ang ganda ganda mo." pagpupuri ni dad sa akin.
" Daddy naman, nambola pa. Kanino ba naman ako magmamana kundi sa inyo ni mommy." Nagtinginan silang dalawa nila mommy.
" Oo naman anak. Talagang sa amin ka naman magmamana. Sino pa ba? Kami naman ang mga magulang mo. Di ba honey" at strange na nagtinginan sila mommy at daddy.
" May problema po ba mom dad."
Nag-uusap pa rin ang mga mata nilang dalawa na tila ba may tinatago sa akin.
" A-ah wala naman anak. Ano ka ba. Wala kang dapat na alalahanin." pag-iwas niya ng tingin kay daddy at hinawakan niya ang kamay ko sabay huminga ng malalim si mommy.
" Sure po kayo?." pag-aalala ko.
" Oo naman anak. Hahahaha. Ang seryoso niyo naman." at pekeng tumawa si daddy sabay uminom siya ng tsaa.
May kakaiba sa kanila ngayong araw. Parang may di dapat akong malaman na itinatago nila.
" Alam kong may problema po kayo. Kapag handa na po kayong sabihin ay handa po akong makikinig sa inyo."
"Kapag naayos na natin ang kumpanya saka namin sasabihin sayo."
Nakalipas ang isang linggo.
" You have only one week para makabayad." naka evil smile si Zymon habang sinabasi ang katagang yon.
" Magbabayad ako sa oras na iyon."
Nandito ako sa kumpanya ni daddy at di ko inaasahan na nandito ang mayabang na ito.
Okay naman kami noong nasa isla pa kami kaso hindi ko lang matanggap ang mga kayabangan niya.
Umalis na lang ako sa harap niya dahil nagrerefresh pa rin sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin.
'Mapipilitan kang magpakasal sa akin.'
'Mapipilitan kang magpakasal sa akin.'
'Mapipilitan kang magpakasal sa akin.'
Nag eecho pa rin sa isip ko ang mga salitang iyon na ayaw na ayaw ko. Ayokong magpakasal sa kanya.
Rose-Anne Del Fuente POV (Mother of Keith)
" Anong gagawin natin Robert. Karapatan niyang malaman ang totoo."
Natatakot ako sa pwedeng mangyari.
" Kailangan silang makasal. Iyon na lang ang nakikita kong salusyon para sa kanilang dalawa pa rin mapunta ang lahat ng ari-arian natin."
" Pero para si Zymon. Kailangan niya din malaman ang totoo."
" Kaya nga kailangan nilang makasal para naman hindi kaawa-awa si Keith."
Flashback.....
Eighteen Debut ni Keith.
Lahat ng naging parte sa buhay ni Keith ay inimbitahan namin mula sa Doctor na nagpaanak sa akin pati na mga teacher niya mula noong kinder at classmates niya ay inimbitahan namin para sa special na araw na ito para sa kaisa-isang prinsesa namin na si Keith.
May biglang kumausap sa akin na isang doctor. Tanda ko siya ang nagpaanak sa akin Keith.
" Oh Doc long time no see." at nagbeso beso muna kaming dalawa.
" Mrs. Del Fuente."banggit niya sa pangalan ko.
" Yeah." nakangiti kong bati sa kanya.
" Hindi ko alam na may anak ka palang babae." nagtataka ang mga mukha niya." Ang daya mo bakit hindi ako ang nagpaanak sayo diyan sa unica-ija mo." pagtatampo niya.
" Di ba doc ikaw naman ang nagpaanak sa akin kay Keith, Di mo ba natatandaan." pagtataka ko
" Ang natatandaan ko ay yung boy na anak mo. Iyon ang natatandaan ko. Wala kang ipinanganak na girl sa clinic ko. Ano ka ba Rose-Anne. Nga pala nasaan iyong boy mong anak, sigurado akong binata na siya at mas gumwapo. Natatandaan ko pa may kinuha akong litrato doon sa anak mo. Kaso nasa opisina ko. Lahat kasi ng mga baby na isinisilang sa clinic ko ay kinukuhanan ko ng litrato." Tuloy tuloy na kwento niya.
Hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang mga sinabi niya.
"Pero doc wala akong anak na lalaki. Is it a joke. Please this is a prank right.?" Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya dahil pagmulat ko sa mga mata ko noon ay babae ang nakita kong sanggol sa tabi ko.
" Paanong wala kang anak na lalaki. Hindi ako pwedeng magkamali dahil lalaki ang lumabas sayo. Tandang tanda ko pa. Nahimatay ka noong isinilang mo siya at dalawang araw kang unconscious." Pagpapaliwanag niya.
Base sa sinabi niya mukhang may katotohanan ang mga ito. Pero ayokong paniwalaan.
" Doc please ayokong masira ang party ng anak ko. Please tell me this is all a joke." pagmamakawa ko sa kanya.
" If this is a joke e di kanina pa ako tumatawa. At bakit naman ako magsisiningaling e wala naman akong mapapala sa ganyan." pagpapaliwanag niya sa side niya.
Natapos ang debut ng matiwasay na walang kaalam alam si Keith pati si Robert ng gabing iyon.
Lumipas ang isang linggo at kinumbinsi ko si Robert na puntahan ang clinic na sinasabi ko. Kahit na madaming trabaho noon sa opisina niya ay nakumbinsi ko pa rin siya. Sabay kaming dalawa na harapin lahat ng mga ito.
Ipinakita ni Doc sa amin ang mga litrato na sinasabi niya. And we found that.... it is true. He is a boy.
" Pero doc paanong babae ang napunta sa aming sanggol.?" Pagtatakang tanong ng asawa ko.
" Well, inaalam ko pa kung bakit babae ang napunta sa inyo. Kasi hindi naman kami pwedeng magkamali na mag switch ng baby. Hindi namin gawain na magswitch ng baby."
" So paano nangyari ito doc."
" Naalala ko may kasunod ka noon na pasyente ko manganganak din. At babae ang anak niya.* napaisip si doc* No way! paanong nagkapalit kayo ng baby. May litrato ba kayo noong baby pa siya."
" Naisip kong magdala ng litrato kanina, wait lang hahanapin ko. Ito! ito." sabay lapag ko sa mesa niya.
" Ang pasyente ko ito noon ay napakaistrikto kaya isa lang ang nakuha kong litrato."
Laking gulat namin sa nakita namin. Magkamukhang magkamukha silang dalawa kaya posibleng si Keith ang babaeng nasa larawan na ito.
"Base dito sa impormasyon na nakuha ko. Ang surrogate niya ang nandito sa logbook ko."
"Pero bakit ang anak ko ang kinuha niya. At ipinagpalit niya ang dalawa bata." di makapaniwalang tanong ng asawa ko.
" Nasaan kaya ang tunay na anak natin. At anong gagawin natin kay Keith. She is my Princess." umiiyak na ako sa galit ko inis at surprise na emosyon ko. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang nagigibabaw ay ang sakit na dulot ng katotohanan.
Ilang taon ang lumipas at patuloy pa rin kaming naghahanap sa tunay na anak namin. Lahat ng mga connection na meron kami ay nilapitan na namin. Pati ang surrogate na nagdala kay Keith ay pinuntahan namin pero patay na siya. Kaya nahirapan kaming magresearch para sa tunay na anak namin.
Until the day come na biglang tumawag ang isang butlet ng mga Versosa. At ikinuwento ang lahat sa amin at nagbigay din siya ng mga litrato na patunay na totoo ang mga sinasabi niya.
Ang siya ay si Vince Zymon Versosa ang tunay na anak namin. Nagawa niyang pagpalitin ang mga bata dahil lahat ng mga babaeng anak ng mga Versosa ay pinapatay ng ama nito kaya iyon ang naisip nitong paraan para isalba ang buhay ng anak ng Versosa.