Chapter 15

1238 Words
Ito ang araw para magbayad ako kay Zymon. " Saan gaganapin ang pagbabayad mo sa kanya." tanong ni dad. " Sa company mismo dad." Robert POV Ngayon na siguro ang tamang oras para sabihin ang lahat ng katotohanan sa kanilang dalawa. Alam kong ngayon na ang oras para magbayad si Keith sa utang kay Ronie. " Saan gaganapin ang pagbabayad mo sa kanya." tanong ko kay Keith. "Sa company mismo dad." sagot niya sa akin. " Sasama kami ng mommy mo." paalam ko " Kayo po bahala dad." sabay beso niya hudyat na magpapaalam na siya. " Hintayin niyo kami bago mo iaabot ang pera anak okay." utos ko sa kanya " Okay dad." sagot niya sa akin Sana kumpanya na kami ni Rose-Anne ngayon at sinunod niya talaga ang utos ko na hintayin kami. " Finally." Bagot na bagot na sabi ni Zymon. " Dad, Mom, bakit ang tagal niyo naman. Kanina pa ako inaaway ng mayabang na to." Turo niya kay Zymon. " Bago kayo mag-abutan ng pera. May sasabihin muna kami sa inyong dalawa." seryoso kong saad. " Oh c'mon. Sinasayang niyo ang oras ko." " Ikaw ang tunay namin anak. At si Keith ang tunay na Versosa." " Haha* tumawa siya at ngumisi. *luma na yang joke mo, next time naman galingan mong magpatawa." seryoso niyang sabi. " Ano to dad. Mom ano ang sinasabi ni dad." " Totoo ang sinasabi niya." " Paanong-"tanong ni Keith " Noong debut mo nagsimula ang lahat Keith. Yung doctor na nagpaanak sa akin ang nagsabi na lalaki ang anak namin ng dad mo. At lahat ng baby na isinilang sa clinic niya ay nilitratuhan niya. At nag match ang picture mo doon. At isang araw may isang butler na tumawag sa amin at butler daw siya ng mga Versosa. Naikwento niya sa amin ang lahat na lahat ng mga babaeng pinapangak na Versosa ay pinapatay niya. Naawa ang butler sayo kaya naisip niya ipinagpalit ka sa anak ko para isalba ang buhay mo." Umiiyak na pagpapaliwanag ni Rose-Anne. " Utang mo sa tunay na anak namin ang buhay mo kaya dapat mo siyang pakasalan para di na lumabas ang kahihiyan na ito sa publiko." utos ko kay Keith. Einjelikeith POV Kanina pa kami naghihintay dito ni Zymon sa mga magulang ko. " Pwede ba ibigay mo na lang sa akin ang pera para matapos na." naiirita na siya sa kakahintay. " Maghintay ka kasi. Ibibigay ko naman sayo ang pera." " May lahi ba kayong pagong." " Eh ikaw, ipinaglihi ka ba sa sama ng loob." " At least ako gwapo, di katulad mo, mukha kang pagong." sabay tawa niya. " Ewan ko sayo." " Finally." Bagot na bagot niya sabi. " Dad, Mom, bakit ang tagal niyo naman. Kanina pa ako inaaway ng mayabang na to." Turo ko kay Zymon. " Bago kayo mag-abutan ng pera. May sasabihin muna kami sa inyong dalawa." seryosong saad ni dad " Oh c'mon. Sinasayang niyo ang oras ko." naiinis na si Zymon " Ikaw ang tunay namin anak. At si Keith ang tunay na Versosa." Nagulat ako sa sinabi ni Dad. Joke ba to. " Haha, luma na yang joke mo, next time naman galingan mong magpatawa." seryosong sabi ni Zymon " Ano to dad. Mom ano ang sinasabi ni dad." naguguluhan kong tanong " Totoo ang sinasabi niya."saad ni mommy " Paanong-"tanong ko " Noong debut mo nagsimula ang lahat Keith. Yung doctor na nagpaanak sa akin ang nagsabi na lalaki ang anak namin ng dad mo. At lahat ng baby na isinilang sa clinic niya ay nilitratuhan niya. At nag match ang picture mo doon. At isang araw may isang butler na tumawag sa amin at butler daw siya ng mga Versosa. Naikwento niya sa amin ang lahat na lahat ng mga babaeng pinapangak na Versosa ay pinapatay niya. Naawa ang butler sayo kaya naisip niya ipinagpalit ka sa anak ko para isalba ang buhay mo." Umiiyak na pagpapaliwanag ni Mommy " Utang mo sa tunay na anak namin ang buhay mo kaya dapat mo siyang pakasalan para di na lumabas ang kahihiyan na ito sa publiko." utos sa akin ni Daddy. Nabingi na ako. Madami pa siyang sinabi pero di ko na marinig dahil para akong nabingi sa huling narinig ko kay dad. Ang sakit na malaman na di nila ako tunay na anak pero mas masakit pa pala ang sabihan nila akong utang sa loob ko ang buhay ko sa mayabang taong to at dapat ko pa siyang pakasalan. 'Utang mo sa tunay na anak namin ang buhay mo kaya dapat mo siyang pakasalan para di na lumabas ang kahihiyan na ito sa publiko.' 'Utang mo sa tunay na anak namin ang buhay mo kaya dapat mo siyang pakasalan para di na lumabas ang kahihiyan na ito sa publiko.' 'Utang mo sa tunay na anak namin ang buhay mo kaya dapat mo siyang pakasalan para di na lumabas ang kahihiyan na ito sa publiko.' Nag eecho pa rin sa isip ko lahat ng mga katagang sinabi ni dad. Hindi na ako makahinlugar sa lugar na ito kaya namamadali na akong lumabas dala ang bag ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Dinala ako ng mga paa ko sa isang tulay. " Bakit ako nandito." tanong ko sa sarili ko. " Uuwi ba ako." " Saan na ako ngayong pupunta." " Ano na ang gagawin ko." " Ahhhhhhh!!!!" sigaw ko. Umiiyak ako ngayon sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang iniiyakan ko ngayon. Kung ang hindi ako tunay na anak, o ang tunay na daddy ko, o ang buhay ko, o ang utang na loob ko. Kanino nga ba talaga ako may utang na loob. Sa mga namulatan kong magulang ko o si Zymon o ang butler. Kailangan kong harapin ang punot dulo nito. Kailangan kong makita kung sino ang tunay kong ama at siya mismo ang pababagsakin ko. Gumagabi na pero nanditi pa rin ako sa tulay sa gilid ng kalsada. Madami ang dumadaan na sasakyan pero may isang sasakyan ang huminto sa harap ko. Isang magarang kotse at sa tanda ko ito ay isa sa mga sasakyang binebenta ko. Nasa 15 milyon ang halaga nitong kotse. Bumaba siya at lumapit siya sa akin. " Miss, nandito ka ba para naisipang magpakamatay pero hindi mo kaya at nagsisisi ka ngayon.?" " Anong pakialam mo?. Wala kang alam sa pinagdadaanan ko ngayon." gigil na sabi ko. " Tama ka. Wala nga akong pakialam sayo. Pero sa kalikasan meron. Kung tatalon ka sa diyan. Naisip mo ba kung ilang isda din ang mamamatay dahil sayo." "Pinagsasasabi mo?" Bigla ako tumayo dahil sa inis ko. Pero sa pagtayo ko bigla akong nahilo at isama mo pa na namanhid ang mga paa ko dahil sa matagal kong pagkakaupo. And then nawalan na ako ng malay. . . . . . . . . . . . . Pagdilat ko ng mga mata ko ay nasa hindi pamilyar sa kwarto ako napunta. Kulay Maroon ang buong kwarto at ang sahig ay gawa sa mamahaling kahoy. At sa paanan ko ay may napakalaking TV. At may isang pintuan, siguro CR iyon. Parang ang lungkot naman ng kwartong ito, madilim kasi. Di katulad sa kwarto ko. Maaliwalas at mas malaki pa. Bigla akong nalungkot ng maalala ko ang kwarto ko sa bahay. Umiiyak na naman ako. Biglang may pumasok sa pinto. " Sino ka?!" sigaw ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD