Einjellikeith POV "Nakakainis ka na!" ikinuyom ko ang mga kamay ko sa pagkainis ko. " Goodluck my dear wife. Malay mo hilingin niya na manatili na lang ako sa tabi niyo at maging isang buong pamilya na lang tayo. Di ba ang saya nun." Nanlaki ang mata ko sa mga sinabi niya. " Vince Zymon.!" mariin kong sinabi ang pangalan niya. Tumalikod na siya at hinanap si Claire. Naisip kong dapat ko siyang unahang makita si Claire. Kaya ngayon hinahanap ko siya ngayon kung saan siya palaging pumupunta. Pinuntahan ko din ang kwaryo niya pero wala siya doon. Pumunta din ako sa playroom pero wala din doon. Baka sa garden. Bakit ba kasi ang laki ng bahay na pinagawa ko. Ang hirap tuloy maghanap. Next time magpapagawa ako ng bahay na makikita ko sila kaagad. Napadaan ako sa kusina at may narinig

