Chapter 20

1180 Words
Nagising ako ng may pagtataka kung bakit ang bigat ng katawan ko na parang may pasan pasan ako na napakabigat na bato. Minunat ko ang aking mata at nagulat ako sa nakita ko kaya itinulak ko siya. Dahilan para malalag siya. " Anong ginagawa mo." tanong ko " Ano ba, inaantok pa ako. Bakit ka ba nanunulak." sabay kamot niya sa ulo niya. " Anong ginawa mo sa akin." tinakpan ko ang katawan ko gamit ang kamay ko. " Mali ang iniisip mo. Lumipat lang naman ako dito sa kama dahil sa lagi akong nahuhulog sa couch. Naisip ko lang lumipat tutal malaki naman ang kama. Sa katunayan nga naglagay pa ako ng unan sa pagitan natin dahil alam ko magagalit ka pero tinanggal mo. Tignan mo iyang nasa gilid mo nandyan ang unan na nilagay ko." paliwanag niya at humiga ulit siya. " Anong gagawin mo." " Matutulog ulit. Napuyat ako dahil sobrang kulit mo matulog kaya niyakap na lang kita para tumigil ka. At doon lang ako nakatulog ng mahimbing tapos ngayon nanunulak ka pa. Wala kang konsensya." " Ako pa ang walang konsensya. Bakit ikaw meron ka ba nun. Huwag na huwag mong mabanggit bangit ang konsenya dahil wala ka namang ganun." Tumahimik na lang siya. Siguro tulog na ulit siya kay di na siya sumagot. Naligo na ako at nag almusal na din. Hindi ko na siya hinintay magising at umuwi na ako sa bahay. Alam ko naman na dito niya ako pupuntahan sa bahay. Wala sila mommy dito sa bahay kaya iyong mga maid lang ang kasama ko. Wala naman akong balak na tanungin sila kung saan sila nagpunta. Nagkulong na lang ako dito sa kwarto ko. Inopen ko ang laptop ko para tignan kung may email na ipinadala galing sa kumpanya ko. Kinamusta ko na din sila. Mabuti naman at walang problema. Pero ipinahahanda ko na ang sila sa pagbabalik ko. Dahil gusto ko sa pagbalik ko ay mas malakas at mas malawak na ang kumpanya ko. Para kung sakaling mapansin ni Zymon ang kumpanya ko ay siya mismo ang lalapit sa akin. Pinepwersa ko ang mga tauhan ko ngayon na kailangan maging mahigpit at tanggalin ang mga mahihina. Dahil sa panahong ito ay hindi ko kailangan ang mga mahihina. Nag eempake ako ngayon dahil sigurado naman ako na may bahay ng inihanda ni Zymon para sa amin. Sa kalagitnaan ng pag eempake ko ay may kumatok sa pintuan ko. " Sino yan." " Ako po ma'am. Naghihintay na po si sir Zymon sa inyo sa baba." " Pakisabi na akyat siya para buhatin ang mga gamit ko." " Okay po maam." Narinig ko ang yapak niya na paalis na siya. At maya maya ay may yapak din na papunta sa pintuan ko. Bigla niya na lang binuksan ang pinto ng hindi man lang siya kumakatok. " Buhatin mo ang mga iyan." " Aanhin mo ang mga iyan. Bibili na lang tayo ng mga bago." " Bubuhatin mo ba o hindi ako sasama sayo." " Sabi ko nga bubuhatin ko." buti naman at nasindak ko din siya. " Bilisan mo." _______________ Hindi ko akalain na sa kanya pala ang mansion na ito. Grabe triple pa ito sa bahay namin. Pagbukas mo ng gate ay makikita mo na kaagad ang isang fountain. Meron din siyang malawak na playground. Meron doong basketball court at sa tabi noon ay isang malawak na garden. " Nagustuhan mo ba." " Ahh oo naman. Ang laki pala ng bahay mo pero kahit gaano man kalaki ay kwago naman ang nakatira." "Anong sabi mo?" galit niyang tugon. " Bakit may angal ka." paghahamon ko sa kanya. Nauna na akong pumasok sa kanya dahil tulala pa rin siya na sinabi ko. " Ginagalit mo ba talaga ko." Hinahabol niya ako papasok sa bahay niya. " Hello po Lady Einjelikeith."bati ng isa sa mga nakakatanda sa kanilang lahat. Siguro siya ang mayordoma dito. " Naku po, huwag naman po masyadong pormal. Einjelikeith na lang po manang." "Manang Fely po Lady Einjelikeith. Pasensya po pero hindi po namin magagawa ang sinasabi mo po Lady Einjelikeith. " Tinignan ko si Zymon at nakakunot ang noo niya kay manang Fely. " Manang kung natatakot po kayo kay Zymon. Huwag po kayong mag alala dahil kung maghari-harian po siya dito sa bahay niya ay sisipain ko po mismo palabas ng bahay niya." malumanay kong tugon. Tinignan ko ulit si Zymon at kitang kita ko sa mga mata niya na umuisok na ang ilong niya sa galit. " Kanina mo pa ako iniinis. Gusto mo yatang matikman kung paano ako magalit." banta niya sa akin. " Sa tungin mo ba natatakot ako sayo. Hindi nga ako takot na nagpakasal sayo di ba." sagot ko sa kanya ng pabalang. " Manang bukas magday off kayong lahat. At ikaw ang mag aasikaso sa akin bukas." " Di porket asawa mo na ako ay gagawin mo na kong alila mo. Nagkakamali ka. Mag day off sila bukas di mag day off basta huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo. Bahala ka sa buhay mo at bahala din ako sa buhay ko." " Aba at talagang sinasagad mo talaga ang pasensya kong babae ka." " Pakialam ko sayong lalaki ka." " Master and Lady nga-ngayon lang po ako nakita ng bagong kasal na aso't pusa na kaagad. Maiwan ko na po kayo." sabay pumalakpak siya. Sign siguro iyon ng 'back to work'. " Manang mali po kayo ng iniisip." " Bahala na kayong dalawa. Matanda na kayo. Alam niyo na ang tama at mali. Maiwan ko na kayo Lady Einjelikeith." paalam niya muli. " Curious lang ako? Sino ang aso sa ating dalawa. Ikaw o ako. Kung aso ako gusto ko naman yung Pekinis dahil sa pangalang kinis ay parehong pareho kami. At pareho ding kaming perpekto." Napapikit na lang ako sa inis sa sobrang yabang niya. " Sa tingin ko isa kang aspin dahil asal kalye ka." nagdadabog akong umalis sa harap niya at nagtungo na lang ako sa garden. Mabuti pa dito sa garden sariwa ang hangin hindi katulad kapag katabi ko na siya. Kumukulo ang dugo ko kapag katabi ko siya. Nagriring ang cellphone ko. Si Marc ang tumatawag. " Hello bakit?" bungad ko " Pasabi naman sa asawa mo na tantanan niya na ako." " Bakit ano ba ang nangyayari." " Iyang asawa mo ayaw niya akong tigilan." " Pwede ba tigilan mo iyang kakasabi ng asawa. Nandidiri ako." " Wala akong panahon sa mga kaartehan mo dahil nanganganib na ang kumpanya ko dahil sa asawa mo." " Okay kakausapin ko siya pero please lang huwag na huwag mo ng mabanggit banggit ang asawa kundi pababayaan kita." " O sige sige basta tulungan mo ako." Binaba ko na ang tawag saka ako pumunta sa opisina niya dito sa loob ng bahay. " Ano ba ang problema mo. Bakit ayaw mo pa ring tantanan si Marc. Nagpakasal na ako sayo. Ano pa ang problema mo." " Sabi ko na nga ba. Pupuntahan mo din ako."kalmado niyang tugon " Ano ba ang problema mo." " Ikaw." " Anong ako.?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD