Zick Present… Nanatili lamang akong nakatingin kay Farrah na umiiyak. Gusto ko ito lapitan ngunit mas pinili ko na lamang ang lumayo muna rito sandali. Kung alam lang din nito ang mga pinagdaanan ko nung panahon na hindi ko ito nakita. Labis akong nangulila sa mga ngiti nito. Ngunit hindi ko na iyon makita ngayon. Puno ng galit ang nakikita ko rito at dahil sa akin iyon. Ngunit hindi ko matiis na hindi ito lapitan. Mas ako ang nahihirapan na nakikita itong umiiyak at wala man lang akong ginagawa. Kahit pa ipagtabuyan ako nito ay pilit kong ipagsisiksikan ang sarili ko rito. Hindi ako magsasawang tumanggap ng masasakit na salita mula rito. Gusto ko makabawi sa panahong wala ako sa tabi nito at sisimulan ko na iyon ngayon. Lumapit ako rito at niyakap ko ito. Natigilan ito sa ginawa k

