FARRAH Hindi ako pinayagan ni Zick na umalis ng bahay ng magulang nito na hindi maayos ang itsura. Bukas na lamang daw ako nito pauuwiin. Pero hindi ako pumayag. Kahit naman lumaki akong liberated ay hindi ko hinahayaan ang sarili na matulog sa ibang bahay lalo na sa lalaki. Walang nagawa si Zick kun'di igalang ang desisyon ko. Nagpaalam ito sandali sa akin. Nawala ito ng ilang minuto, pagbalik nito ay may dala na itong mga paper bag. Sinulyapan ko ang mga dala nito. Bawat paper bag na hawak nito ay alam kong mamahalin iyon. Nakapamili agad ito ng ganoon kabilis? "Ano 'yang mga 'yan?" taka kong tanong rito. "Damit mo," tipid nitong tugon. Nilapag nito ang mga paper bag at namili ng isa sa mga iyon. Binigay nito sa akin ang napili nito at hinawakan ako sa kamay. Iginiya nito

