FARRAH Hindi na yata mawala-wala ang kabog ng aking dibdib sa tuwing magtatama ang aming mga paningin. Ganito naman palagi ang nararamdaman ko sa tuwing magkakalapit kami. Sadyang malakas talaga ang epekto sa akin ng lalaking ito. Gusto ko man ito batukan dahil hindi nawawala ang ngiti nito sa labi sa tuwing napapatingin sa akin ay hindi ko magawa, lalo pa at nasa harap namin ang mga kaibigan nito. Simula ng magising ito ay hindi na nito tinanggal ang aming mga kamay mula sa pagkakasalikop. Kapag sinasabi ko na may kukunin ako ay iniuutos naman nito sa mga kaibigan na panay naman ang reklamo ngunit sinusunod naman ng mga ito. Lihim na lamang akong napapangiti. Wala ring oras na hindi napupuno ng kantyawan sa loob ng silid na inuukopa nito. Hinayaan ko na lamang ang apat dahil al

