Chapter 25

2191 Words

FARRAH Tinupad ni Zick ang sinabi niya na ipapasyal niya ako. Gusto ko sana isama si papa pero tumanggi ito. Ayaw daw nito maging istorbo sa date namin ni Zick. Dinala ako ni Zick sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. Ito yung mga lugar na noon ko pa dapat napuntahan pero hindi ko na nagawa dahil kailangan ko na magtipid noon. Yung mga panahon na kahit 25 cents ay kailangan ko nang itabi dahil malaking bagay na para sa akin. Totoo ngang makikita mo ang halaga ng maliit na bagay kapag kailangan mo na ito. Lumanghap ako ng sariwang hangin. Bagamat natatabunan ng fog ang maliit na bulkan ay makikita ang ganda ng nakapaligid dito. Kasalukuyan kaming nasa Tagaytay. Tanaw mula sa kinatatayuan namin ang Taal Volcano. "You like it?" tanong ni Zick sa akin. Pumihit ako paharap rito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD