FARRAH Dahil sa nangyaring pakikipag-away ni Zick at ng mga kaibigan nito ay palagi akong nakabantay kay Zick. Palagi ko itong mino-monitor. Lagi akong nagti-text kung nasaan ito at kung ano ang ginagawa nito. Hindi ito sumasagot sa text ko bagkos ay tumatawag ito. Naging malapit din kami ni Luisee, ang babaeng nakita kong pumasok sa meeting room nung tinawagan ako ni Drixx. Ayon kay Lui, may isang grupo din ang madalas pag-initan ang grupo ng apat kaya palaging nadadawit sa gulo sina Zick. Umiiwas naman sa gulo ang apat lalo na at anak si Haru ng may-ari ng School. Ayaw ni Haru na madawit sa kahihiyan ang pangalan ng papa nito. Pero sadya yatang lapitin sila ng away. Hindi sila ang lumalapit sa gulo kun'di sila ang nilalapitan ng kabilang grupo. Nagkaroon din ako ng lakas ng loob n

