Chapter 7

2455 Words
FARRAH Unti-unti ko naramdaman ang paglakbay ng kamay nito sa aking katawan. Mula sa aking bewang ay namasyal ang kamay nito sa aking binti paitaas hanggang sa pumailalim iyon sa aking suot na damit. Mabilis na lang iyon para rito dahil maluwag at malaki ang suot kong damit na pantulog. Naramdaman ko ang pag-akyat niyon. Bawat dantay ng mainit na palad nito sa aking balat ay para akong nagdidiliryo. Hindi ko din naiwasan ang impit na ungol na kumawala sa aking bibig kahit pa sakop ng labi nito ang labi ko. Gusto ko ang paraan ng paghaplos nito sa aking balat. Hindi ito nagmamadali. Bagkos ay ninamnam nito ang bawat dantay niyon sa aking balat. Naramdaman ko na malapit na ang kamay nito sa aking dibdib. Hindi pa din nito pinapakawalan ang aking labi. Ngunit pareho kaming natigilan ng tumunog ang cellphone nito. Nagpatuloy ito ngunit dahil hindi tumitigil ang pagtunog ng cellphone nito ay marahan ko itong tinulak. "Z-Zick, may tumatawag sa'yo," anas ko. Bumangon ito at padabog na kinuha ang cellphone na nakapatong sa bedside table. Umupo ako at inayos ko ang aking sarili. Tiningnan muna nito ang screen ng cellphone. Dahil sa liwanag ng cellphone nito ay nakita ko kung paano hindi maipinta ang mukha nito. Halos magdikitan na din ang mga kilay nito sa pagkakasalubong. Wala na itong nagawa kun'di sagutin ang tawag. "Dammit! Why did you call at this hour? I'm already asleep." Pagalit nitong wika sa kausap. Humarap ito sa akin at kinapa nito ang kamay ko. Pinagsalikop nito iyon at hinalikan ang likod niyon. Pakiramdam ko sa oras na ito ay nawala ang galit ko sa kan'ya. Para kaming bumalik sa dati noong panahong nasa kolehiyo kami pareho. "That's it? Tumawag ka pa talaga sa akin para sabihin na hindi ka makatulog? Dammit, Drixx. Subukan mo uminom ng gatas para dalawin ka ng antok, you f*****g moron!" Tinapos na nito ang tawag. Si Drixx pala ang kausap nito. Si Drixx, ang magiliw sa apat na magkaibigan. Napapalatak ito at padabog na binalik ang cellphone sa bedside table. Binalingan nito akong muli. Nilapit nito ang mukha sa akin at hinalikan ako sa noo, paibaba sa aking ilong. Tinitigan muna ako nito bago ako dinampian ng halik sa labi. Muli akong pumikit ngunit hindi pa man nagtatagal ang paglapat ng labi nito sa labi ko ay inilayo na nito iyon. Nagtataka ko itong tiningnan. Nakangiti itong nakatitig sa akin. "Magpahinga ka na," sambit nito. Inalalayan ako nitong mahiga. Nilagay nito ang ulo ko sa braso nito. Dinampian ulit ako nito ng halik sa labi at nagpakawala ito ng buntong hininga. "Hanggang dito na lang muna ako, Far. Gusto ko muna na iharap ka sa altar. Gusto ko maglakad ka sa Isle ng simbahan wearing the beautiful white dress. Kapag nakapagpakasal na tayo ay pwede na natin gawin ang gusto natin. Sa ngayon, hanggang hawak at halik na lang muna ako sa'yo." Mahabang paliwanag nito. Ramdam ko ang sensiridad sa mga sinabi nito. Ang Zick Morgan na nakilala ko noon walang inaatrasan. Matapang sa lahat ng bagay. Hindi marunong makinig at hindi marunong magpigil. Kilala ko ito na kapag may naaagrabyado sa kaibigan o kakilala nito ay hindi nito pinapalampas. Kaya nga ito tinaguriang bad boy ng grupo. Pero ngayon, para akong nakakita ng bagong Zick. Pakiramdam ko iba ang Zick na kasama ko ngayon. "Tinanong mo ba ako kung gusto ko magpakasal sa'yo?" tanong ko. Hinintay ko itong magsalita ngunit wala ako narinig mula rito. "Pipilitin kita," saad nito. Sa sinabi nito ay bumangon ako. Nakalimutan ko nga pala na wala itong pakialam sa opinyon ng iba. "Just kidding," bawi nito sa sinabi. Naramdaman ko na umupo ito. Niyakap ako nito mula sa likod. Bawat paghinga nito ay dinig ko. "Kapag tinanggihan mo ako magpakasal… I will respect it. Pero sa ngayon Far, kailangan mo muna makinig sa akin. Hindi ka maaaring lumabas ng bahay. Kapag naayos ko na ang lahat ay pwede mo na gawin ang gusto mo. I will set you free, if that's what you want." Humina ang boses nito sa huling sinabi. Para rito ay madali na lang akong palayain. Nagawa na nga ako nitong iwan sa ere, ang palayain pa kaya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga. "Bigyan mo ako ng magandang dahilan Zick para hindi ako umalis sa tabi mo. Kapag nagawa mo 'yun, I promise, magpapakasal ako sa'yo. Kakalimutan ko ang ginawa mong pag-iwan sa akin sa ere. Bigyan mo lang ako ng magandang dahilan." Seryoso kong wika. Unti-unting lumuwag ang braso nitong nakapulupot sa akin. Umalis ito sa kama at tumayo sa harap ko. Hinawakan nito ang aking kamay at inalalayan akong tumayo. Tinungo namin ang balkonahe at doon sabay kaming naupo. Hawak pa din nito ang aking kamay. "The first time I saw you at that tree, I was amazed by your katarayan…" Sabi nito na nakangiti. Nakatingin lamang ito sa aming kamay na magkasalikop. "'Yung tipong parang wala kang alam kung sino ang kausap mo because the way you talked to me. Doon ako nagkaroon ng interes na alamin kung sino ka." Sa wakas ay tumingin na ito sa akin. He stared at me as if it is there's no tomorrow. Noong panahon na iyon ay kahit lumaki akong puro luho sa katawan ay hindi ako nagkaroon ng interes sa mga lalaki. Pero kay Zick lang ako nagkaroon ng interes noon. Tanging Pocketbook lamang ang nagpapakilig sa akin noon. Pero ng makilala ko si Zick, lahat ng kilig naranasan ko noon. Ngumuso ako. "Hindi naman talaga kita kilala. Wala ako panahon para kilalanin ang mga pumapasok sa Stevan University." Dahilan ko. Tumawa ito ng mahina. The way he laugh is like a music to my ear. Ang gaan pala sa dibdib kapag walang galit. At ramdam ko iyon ngayon. Gusto ko na kalimutan ang lahat pero kailangan muna ako bigyan ni Zick ng magandang dahilan para mawala ang galit ko sa kan'ya. Pagkatapos niyon ay ibabalik ko ang dating kami. Tinukod nito ang isang siko sa mesa. Ang isang kamay nito na nakahawak sa aking kamay ay tinanggal nito mula sa pagkakasalikop at dumapo iyon sa aking mukha at marahan nitong hinaplos. Dahil may takas akong buhok ay inipit nito iyon sa aking tenga. "That's why you caught my attention. I've been waiting this for so long, Far. Hindi mo alam kung gaano ako kasabik na makita ka. Natatakot akong mawala kang muli sa akin." Sambit nito na hindi ko mapaniwalaan. Dapat ko na bang paniwalaan ang mga sinasabi nito? "Bakit hindi mo ako sinipot, Zick?" tanong ko. Iyon lamang ang gusto ko malaman. Kahit ano ang sabihin nito ay paniniwalaan ko. "I'm sorry," tanging nasambit nito. Hinintay ko itong magsalita muli ngunit ilang segudo na ang nakalilipas ay wala na akong narinig mula rito. Ako na ang unang nagtanggal ng aming magkasalikop na kamay. Mahirap siguro sagutin ang tanong ko kaya hindi nito magawang sagutin iyon. "Gusto ko muna mapag-isa Zick," sabi ko ng hindi ito tinitingnan. Dinig ko ang mabigat nitong buntong hininga. Sa gilid ng mata ko ay nakatitig ito sa akin, kalauna'y tumayo na ito at iniwan na akong mag-isa. Nang wala na ito ay hindi ko napigilan ang paglandas ng masaganang luha mula sa aking mata. Sinapo ko ng aking dalawang kamay ang aking mukha at humagulgol ako ng iyak. Ako lang nagpapahirap sa aking sarili. Ang buong akala ko ay makukuha ko mula sa kan'ya ang sagot na matagal ko ng gustong malaman. Pero nagkamali ako. Hindi niya ako kayang sagutin dahil ang totoo ay duwag siya. Nagtatago siya sa katapangan ngunit bumabalot ang kaduwagan sa katauhan niya. Sana ay hindi ko na lang siya nakilala. Sana hindi ko na lang kami nagkita g muli. Sana hindi ako nasasaktan ng ganito. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan sa panahong wala pang Zick na pumapasok sa buhay ko. Sa pagkakataong iyon ay napuno ako ng pangungulila sa aking mga magulang. Wala akong ibang naging takbuhan at sumbungan noon kun'di ang aking magulang. Ang mama ko na kahit palaging busy sa business nito ay hindi nakakalimutang alagaan ako. Ang papa ko na palaging pinagtatanggol ako kapag sinisermonan ni mama dahil sa palagi akong nahuhuli ng professor ko na nagbabasa ng pocketbook sa oras ng klase kaya sinusumbong ako kay mama. Unti-unti bumalik sa akin ang mga alaala noong panahong masaya ako na kasama ko sila. Ang magulang ko na tanging nagpapa-ikot ng mundo ko noon… 9 years ago… "Farrah!" dinig kong tawag sa akin ni mama mula sa sala. Alam ko ang tawag na iyon. Panigurado ako ay nagsumbong na si Mr. Maasim sa mama ko. Nakita kasi ako nito na nagbabasa ng pocketbook sa oras ng klase. Masyado kasi ako na-boring sa lecture nito kaya naman ay pinagdiskitahan kong basahin ang malapit ko ng matapos na binabasa. Ngunit sa kasamaang palad ay na-confiscate iyon. Hindi ko na mabilang kung ilang pocketbook na ang nakuha nito mula sa akin. Ilang beses na din kasi ako nahuhuli na nagbabasa sa oras ng klase nito. Namumukod tangi lang na sa kan'ya ako nagbabasa dahil hindi ko gusto ang paraan ng pagtuturo niya. Nakakaantok at nakakabagot. Dinig ko na ang mabigat na yabag patungo sa aking kwarto. Mabilis kong tinungo ang pinto at ni-lock iyon. Panigurado din ako na makakatikim na naman ako ng sermon kay mama. Kinuha ko ang aking cellphone at agad kong tinawagan si papa. Sinagot naman agad nito iyon. "Pa, si mama nagwawala na naman. Where are you?" gagad ko kay papa. "I'm on my way baby, don't open the door until I get home." Nakaramdam ako ng kaginhawahan ng sinabi iyon ng aking ama. My savior is in his way. Napangiti ako at pasalampak na nahiga sa aking kama. Si papa ang palaging nagtatanggol sa akin kapag pinagagalitan ako ni mama. Lalambingin lang ni papa si mama ay mawawala na ang galit nito sa akin. Naramdaman kong nag-vibrate ang aking cellphone. Tiningnan ko kung sino ang nag-text. Si Selina ang kaibigan ko. Malamang ay yayayain na naman ako nito mag-mall o bar. Selina: Where are you? Nagtipa ako para sabihin kung nasaan ako. Kapag walang pasok ay nasa bahay lamang ako. Pero kapag gabi ay siguradong hindi pwedeng hindi kami lumabas ng mga kaibigan ko. Ako: House. Tulad ng inaasahan ko ay hindi na ito sumagot sa text ko, bagkos ay tinawagan ako nito. "Girl, Kyra suggested that we are going to pasay tonight. You know naman her, maraming alam na bar. Are you coming?" tanong nito. Syempre ako itong hindi marunong tumanggi lalo na pagdating sa night life ay sumang-ayon ako. Apat kami magkaibigan. Ako, si Kyra, Selina and Mitchell. Selina is the closest to me. Tanging sa akin lang din ito nagsusumbong ng reklamo nito sa dalawa pa naming kaibigan. Si Kyra ang pinakamatanda sa aming apat kaya naman ay ito ang nagdedisisyon kung saan ang lakad namin. Ito palagi ang dapat masusunod. Pero sa aming tatlo ni Selina at Mitchell , ako ang hindi niya mapasunod. I don't like the way she command us. I have my own decisions and she has no right to dictate me. Si Mitchell naman ay sunod-sunuran kay Kyra. Kapag sinabi ni Kyra na gawin nito ang bagay na iyon ay gagawin nito. Kahit pananamit ay si Kyra dapat ang masunod. Pero dahil hindi naman ako pag-aari ni Kyra ay hindi ako sumusunod sa lahat ng sinasabi niya. "Wait. Is that Tita Felisa?" tanong nito ng marinig ang walang tigil na bunganga ng mama ko at pagkatok sa pinto ng aking kwarto. "Yeah. Sinumbong na naman ako ni Sir Maasim nung nahuli akong nagbabasa ng pocketbook sa klase niya." Reklamo ko sa kaibigan. Ngunit imbis na damayan ako ay tumawa pa ito. "Bakit ka kasi nagbabasa, eh, alam mo naman na nagtuturo si Sir? Ilang beses ka na nahuli ni Sir, hindi ka pa nadala." Sermon nito sa akin. Umikot ang mata ko sa sinabi nito. Akala ko pa naman ay magiging kakampi ko ito. Nang gabi ding iyon ay lumabas kaming apat. Nasa sasakyan ako ng tumawag ang mama ko. Hinayaan ko lang tumunog ang cellphone ko. Hindi ako sumasagot ng tawag kapag nagmamaneho ako. Bilin na din sa akin iyon ni papa. Marahil ay alam nitong tumakas na naman ako. Syempre ang papa ko na naman ang kasabwat ko. Nang marating ko na ang address na binigay sa akin ni Selina ay nag-park na ako ng sasakyan. Pagkatapos ko mag-park ay sinipat ko muna ang aking sarili sa salamin. Napangiti ako sa aking nakita. "You are so beautiful Farrah Suarez," puri ko sa sarili sabay kindat. Pagbaba ko ng sasakyan ay may nakita akong malaking puno. Tinungo ko iyon at kinuhanan ko ang aking sarili gamit ang camera ng aking cellphone. Nakailang kuha din ako. Nang makuntento ay tiningnan ko ang aking kuha. Lahat iyon ay magaganda. Dapat pala mag-aral din ako ng photographer. Paalis na ako ng puno ng makalanghap ako ng usok ng sigarilyo. Isa sa pinaka-ayaw ko ang makalanghap ng amoy ng sigarilyo. Sinundan ko ang usok kung saan iyon nagmumula. Nakita ko ang isang malaking bulto ng lalaki hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Nag-init ang ulo ko dahil grabe bumuga ng usok. Nilapitan ko ang lalaking naninigarilyo. "This is not a smoking area. Bakit dito ka naninigarilyo?!" gigil kong wika sa lalaking nakatalikod. Tinapon nito ang upos ng sigarilyo at tinapakan ng sapatos nito. Dito pa talaga nagkalat ang bastos na lalaking ito. Humarap ito sa akin. Dahil madilim sa kinaroroonan namin ay hindi ko maaninag ang mukha nito. Isa pa, nakasumbrero din ito. "Papasok ka ba sa loob?" tanong nito sa kalmadong boses. Malaki din ang boses nito. Bagay sa tindig nito. Hindi ko lang alam kung babagay sa mukha nito ang baritonong boses nito. "Oo, bakit?" mataray kong wika. "Mas marami ang humihithit ng sigarilyo doon sa loob. Kung ayaw mo ang usok ng sigarilyo. Umuwi ka na lang." Sarkastiko nitong wika. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nito. Totoo nga naman. Mas marami ang naninigarilyo sa loob ng bar. Inirapan ko ito at tinalikuran ko na. Bwisit na lalaki. "Mayabang. Akala mo kung sino. H'wag ka magpapakita sa akin kung ayaw mo manghiram ng mukha sa aso." Mahina kong wika at nagpatuloy ako sa paglalakad. "Really?" Muntik na akong mapasigaw ng marinig ko ang baritonong boses na iyon. Halos nagtaasan yata ang balahibo ko sa tenga dahil sinabi nito iyon mismo sa tapat ng aking tenga. Hindi lang siya mayabang, bastos pa. Hindi ko na ito nagawang habulin dahil sa haba ng biyas nito ay mabilis itong nawala sa paningin ko. Dalangin ko na sana ay hindi ko na makita ang mayabang at bastos na lalaking iyon dahil baka masampal ko na ang bakulaw na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD