Celestine’s POV “Nahihilo na ako sa’yo, Tine. Pwede bang huminahon ka muna tsaka umupo saglit?” Sambit ni Sasha sa gilid. Hindi ako mapakali. Kahit sino hindi mapapakali kung andito man sila sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ako pwedeng kumalma lalong-lalo na’t andito ako sa condo ni Xyler pero wala naman dito ang nobyo ko dahil kinakausap niya ang Victoria na ‘yon ngayon. Malay ko ba kung ano ang gagawin nang babaeng ‘yon sa nobyo ko? Lalo na’t wala ako para sabunutan siya. Nangangati talaga ang kamay kong sampalin siya sa tuwing maalala ko ang ginawa niyang paghalik ni Xyler sa mismong harapan ko pa! “Hindi ako hihinahon, Sasha. Walang hihinahon hangga’t hindi ko sinasabi.” Inis kong sambit sa kanya. Salubong na ang dalawa kong kilay ngayon habang pabalik-balik pa rin ang aking paglalaka

