KABANATA 56

1882 Words

KAHIT pa hindi makapaniwala si Chesca sa nanggaling sa bibig ni Asher, patuloy ang paglakas nang t***k ng puso niya habang nakatingin sa mga mata nito. Si Asher man din ay hindi makapagsalita dahil hinihintay nito ang sasabihin niya. Napakarami nang nangyari sa mag-aanim na buwan niyang pamamalagi sa bahay at buhay ng lalaki. Napakarami niya nang nalalaman ukol sa personal na buhay nito na hindi dapat malaman ng ibang tao. Nakakabisado niya na rin ang mga paboritong kainin, kulay ng suot, at timpla ng kape nito. Hindi niya makakalimutan ang pag-aya nito sa kanya sa isang amusement park. Muntik-muntikan niya nang aminin noon sa lalaki na gusto niya ito dahil sa sobrang kasiyahan. Naalaala niya pa na niyakap siya ng lalaki bago siya pumasok ng kwarto. Yakap lang iyon at nagpasala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD