GALIT na galit na sumugod si Asher kasama si Lucas sa St. Montecarlo kahit na ilang metro na lamang ang layo niya sa kanilang bahay. Talagang pinabalik niya pa talaga ang driver ng sinasakyang kotse nang makatanggap ng tawag mula kay Lucas na b-in-ully na naman si Ashley ng mga kaklase nito. Pagbaba ng kotse ay nakita niya sina Lucas at ang iba nilang mga kaklase na hinihintay siya sa waiting shed. May mga hawak na dos por dos na kahoy ang mga ito at five finger. Agad niyang nilapitan ang mga ito. “Itapon n’yo yang mga hawak ninyo. Hindi tayo papatay ng tao, tuturuan lang natin sila ng leksyon.” Walang anu-ano’y itinapon nga ng mga lalaki ang kanilang mga hawak at sumunod sa paglalakad ni Asher. Napahinto sila nang makitang wala nang tao sa classroom nina Ashley. “Nasaan sila, Lu

