“APO, mag-ingat ka, ha? Alam mong hindi na kita kayang ihatid sa eskwelahan dahil masakit na ang balakang ko,” ani ng matanda kay Marijean habang nakaupo ito sa sala. “Okay lang po, Lola. Huwag kayong mag-alala sa akin. Susunduin ako ni Miguel.” Lumapad ang ngiti ng matanda nang banggitin nito ang pangalan ni Miguel. “Sana’y kayo na ni Miguel ang magkatuluyan. Mabait ang pamilya niya sa atin kahit na mahirap lang tayo.” Nangiti rin si Marijean. Walong taon na silang mag-nobyo ni Miguel. Ngayon ay nasa ikaapat na taon na sila sa kolehiyo ngunit heto pa rin sila at matatag ang relasyon. Hindi man tutol ang mga magulang ni Miguel kay Marijean, ang mga tao sa paligid naman ang masyadong mapanghusga sa kanya—lalo na ang mangilan-ngilan niyang kaklaseng mayayaman. “Aalis na po ako, ‘

