WALANG may gustong bumaba sa kotse at pinapakiramdaman lang kung ano ang gagawin ng babae. Maski sila ay natigagal nang makita ang biglaang pagsulpot nito kung saan man. "What is she doing? Baliw ba siya? Gusto niya na bang magpakamatay?!" sigaw ni Lucas. Wala silang imik habang pinagkakatitigan ang babae. Magulo ang buhok nito. Kusot ang damit na suot at may mga kalmot na mukhang galing sa pakikipagbuno kung kanino. Kakaiba ang naramdaman niya sa pagpako ng tingin ng babae sa kaniya. Tila ba nangungusap ang mga mata nito na tulungan siya sa kung anong kinahaharap nito ngayon. Dahan-dahang ibinaba ng babae ang kanyang mga kamay at nahihiyang tinitigan ang tatlo. Habang sinusuri nila kung ano ang susunod nitong gagawin, nahagip ng paningin ni Asher ang isang bulto ng lalaking napa

