PUNONG-PUNO ng mga katanungan ang isipan ni Mariz nang makita niya sa bintana ng pinto ang asawang naroon sa pribadong kwarto kung saan lumabas sina Asher at Marijean kanina. Hindi lingid sa kaalaman ng dalawa na nasundan sila nito dahil pareho silang nagmamadali at si Miguel lamang ang nasa isip habang patungo sa sikretong kwarto na 'yon. Naunang huminto sa paglalakad si Asher at sumunod naman si Marijean. "B-bakit?" "May naiwanan ako sa ward ni Papa." "Ano 'yon? Baka pwedeng ipagpabukas na natin? Kailangan na nating umuwi, Asher. Baka may ibang tao pa na makakita sa atin dito," saway sa kanya ni Marijean. "Tita, magpasundo ka na kay Brandon. Nakalimutan ko 'yong susi ng kotse sa mesa." Humalik ang lalaki sa pisngi ng ginang bago patakbong bumalik sa pinanggalingan nila kanina

