NITONG mga nakaraang araw, mula noong binulabog ni Hyera ang buhay ni Asher dahil sa napapabalitang nagde-date sila, nararamdaman na naman niya ang paglayo ni Chesca sa kanya. Para bang mayroong pader na naglalayo sa kanilang dalawa kahit na magkasama sila sa iisang bahay. Madalang na naman itong bumaba ng kusina liban na lang kung magluluto ito ng almusal, tanghalian, hapunan, at kapag maglilinis ng sala. Hindi niya rin alam kung paano i-a-approach ang babae lalo na't napagdesisyunan niyang ipain ang sarili sa gusto ni Hyera. Hindi niya gustong paglaruan ang damdamin ni Chesca dahil totoo naman at malinis ang intesyon niya sa babae—gusto niya ito hindi bilang kaibigan lamang kundi isang espesyal na babae sa buhay niya. "Asher, kumain ka na," yaya ni Chesca sa kanya matapos nitong

