“Ma’am, saan po kayo pupunta?” Tinaasan niya kaagad ng kilay ang isa sa dalawang bodyguards niya nang magtanong ito matapos siyang lumabas sa bahay kasama si Zeke na nakabihis din. Nakahawak kasi siya sa braso ng mahal niya habang hawak nito ang susi ng kotse. Malamang ay napuna agad iyon ng mga bodyguards niya kaya nagtanong ang isa. “Sa mall. Magba-bonding lang kami ni Tito Zeke.” Seryoso niyang sagot dito. She understands that they are just doing theirs jobs of making her safe, pero naisip niyang hindi na dapat siya basta-basta magpa-kontrol sa lola niya. Kaya dapat ay ipakita niya sa mga tauhan nito na amo rin siya at hindi basta apo lang ng lola niya. Then, she will be more brave and confident in talking with her lola. “Ma’am, ang bilin po ni Madam—” “Hindi ako magpapagabi.”

