Kung kailan nagkaunawaan na sila ng Tito Zeke niya ay saka naman umuwi ang Daddy niya at talagang nag-stay pa sa bahay nila kinabukasan! Nananadya yata talaga sa kanya ang tadhana. Dati nasosolo nila ng Tito Zeke niya ang bahay na iyon araw-araw pero panay ang deny nito sa feelings sa kanya. Ngayon naman ay di siya makasilip ng kahit kaunting oras na magkakasarilinan silang dalawa dahil palagi itong hinahanap at kinakausap ng Daddy niya. Konte na lang talaga ay magagalit na siya sa Daddy niya! Sobrang miss na niya agad ang Tito Zeke niya pero wala naman siyang magawa. Ni hindi niya ito nayakap ng matagal kaninang umaga dahil baka makahalata ang Daddy niya. Gusto niyang haplusin kahit na saglit ang dibdib nito ngunit bigo siya dahil nakamasid lang sa kanila ang Daddy niya. Tapos, dumagd

