Dinala siya ng lola niya sa isang malaking 3 storey-house, pero ewan lang niya kung house pang matatawag iyon o mansiyon na dahil sa labas pa lang ay nagsusumigaw na kung gaano iyon karangya. Bakod pa lang at gate ay masasabi na kaagad ninuman na hindi lang ordinaryong tao ang mga nakatira roon. And now that she thinks about it harder, mukhang pamilyar rin sa kanya ang apelyido ng Lola niya… na magiging apelyido na rin niya dahil ayon sa Lola niya habang bumibyahe sila ay kasalukuyan na nitong ipinapaayos ang pangalan niya para maging pormal na ang paglilipat sa kanya ng mga ari-arian ng pamilya nila. And just like that, she’s a billionaire! She is the sole heiress of Garcia family and the only one who will have all the right to all their properties aside from her lola. Nag-iisa pala ka

