“Sweetheart, are you really sure about this? I mean, baka magalit ang lola mo sa atin… Paano kung imbes na pumayag siya ay kumontra na siya sa relasyon natin?” Nasa munisipyo sila ng umagang iyon para magpakasal. Pagkagaling sa bahay nina Zeke ay inihatid siya nito sa mansiyon, kinuha niya ang ilang personal na gamit niya at dokumento pero imbes na sa opisina siya sunod na pupunta ay niyaya niya si Zeke sa City Hall. Pero ang mahal niyang si Zeke ay nag-aalala pa rin tungkol sa lola niya. Tsk. Bakit ba hindi nito maisip na lalong wala nang magagawa ang lola niya kapag kasal na sila? Tsaka hindi naman nila kailangang ipaalam sa lola niya na kasal na sila. They can still keep it a secret, tapos tityempuhan na lang nilang sabihin sa lola niya sa magandang pagkakataon. “That’s why we need

