Hindi ko alam kung ilang beses ko nakagat ang aking mga daliri. Liliane is not answering the phone, ghad!
Hindi ko alam kung saan nakuha ni Andrea ang ideang magsleep over sa bahay. Kinabukasan kase ay walang pasok. Simula ng maglunch break ay paulit ulit na nitong bukang bibig ang mag sleep over sa bahay. sumang-ayon naman ang iba kaya wala akong choice kundi pumayag nalang.
May tatlong oras pa bago natapos ang klase. Pasikreto kong ginagamit ang cellphone ko at tinatawagan si liliane.
Liliane answer the phone please.
Liliane, My classmates are going to overnight in my house. Hindi ka nila pwede makita lalong lalo na kilala nila si Ozianna. I texted. Malaki ang chance na kilala nila si liliane dahil madalas ito kasama ni Ozianna.
Hindi niya sinasagot ang tawag kaya tinext ko nalang ito. Sana nga lang talaga mabasa to ni liliane
" Guys we should watch movies!! Teka magsesearch nako ng mga dapat nating panuorin! I'm so excited " Hay maling mali talaga itong sinuggest ni Ashley overnight.
" Tumahimik ka muna andrea, May klase pa tayo baka nakakalimutan mo " Naiirita kong sabi. Bakit kase sa bahay ko pa mismo naisipan pumunta?
" Sorry terry. Labyu " Ew. Para siyang si Chackie sa horror movie kapag ngumingiti na kitang kita ang buong ngipin niya
" Ms. lee and Ms. Hansley please quiet. "
Sinamaan ko ng tingin si andrea at ngiti ngiti lang ang ginanti nito sakin. Gosh
I wonder kung bakit naiba ang takbo ng storya. I wonder kung bakit napaaga bigla ang uwi nila na wala namang nasabi na ganun sa novel.
Tapos na ang klase at nandito kami sa Parking lot. Halos lahat ng estudyante dito sa tempest academy ay may sasakyan kaya di na nakakapagtaka kung bakit napakalawak at laki ng parking area. well maliban nalang sakin. I don't have any cars and i don't planning to have one. Sumasakay lang ako parati ng taxi tuwing papasok sa school.
Dito ang naging usapan ng hintayan. Ashley and Marie are not our classmates kaya hihintayin namin sila.
" Ano ginagawa mo dito david pare ? Napatingin ako kay allen ng magsalita ito. David? Teka andito si david?
Hindi ko inaasahan na nakatingin ito sakin kaya ng tumingin ako ay nagkatitigan kami. Hindi ko natagalan ang pagtitig sa kaniya kaya ako na ang unang umiwas.
" I heard y'all going for overnight. And i decided to join " Eh? He's going to join us? The hell why not. I mean why?
Hindi ko alam na magkaibigan pala sila allen at david? Kelan pa? Teka bakit wala akong nabasa na magkaibigan sila? Sa novel lee siblings are friends with rebecca and David is a aloof guy walang nababaggit sa novel na may kaibigan ito.
Anong nangyayare sa novel? Gosh sumasakit na ulo ko kakaisip. Bakit naiiba na ang takbo ng storya? Simula palang na napunta ako sa katawan ni ozianna ay tila nabago narin paunti unti ang takbo ng storya.
" Ow bakit nandito yang si David? " Bungad na tanong ng bagong dating na si Ashley nasa likod niya naman si Marie na may kausap sa kaniyang cellphone. Sa tingin ko ay kuya niya ito dahil narinig ko siyang tinawag niya ito.
" Hindi ko rin alam " naiiling na sabi ni abbegail.
" Baka may saltik? " Napatingin kami sa sinabi nito. Seryoso ka ba andrea. "Joke lang" akward nitong sabi napansin siguro niya ang pag-iiba ng ihip ng hangin. David is scary as hell.
" Let's go "
" Teka. Alam mo ba ang bahay ko at nauuna ka? " agad kong tinanggal ang kamay kong nakahawak sa braso niya ng makita kong nakahawak pala ako sa braso niya. Teka bakit ngayon ko lang narealize na napakatangkad pala talaga ni david? for god sakes he's 6'2. Para lang akong langgam. Parang ulo niya na ang hawak ko dahil nakataas kamay ko. Gosh
" Oo nga pare " sang- ayon ni andres. Himala nagsalita na ito kanina pa namin to kasama pero ngayon lang ito nagsalita
" H-hindi " Ehhh? Hindi niya alam pero nangunguna siya? Krazy david
Tumahimik ang buong paligid sa sinabi nito. Hindi bagay magjoke kay david. Imbis na matawa ay natatakot pa kami e.Please david last mo na to.
" Ha ha ha ha ha ha Ibang klase ka talaga magjoke david pare " tawang tawang sabi ni allen. Allen have a guts to laugh ha.
" Grabe yung joke mo david tumaas balahibo ko ha ha ha " Andres laugh pinakita niya pa sa kapatid niya ang pagtaas nga talaga mg balahibo niya
" I'm not joking. "
" Teka maglalakad lang ba tayo? Malayo ba yung bahay mo terry? Pag-iiba nito ng usapan. Lumingo ako kay Marie " Medyo. " Napakamot ako sa ulo
" Okay since medyo malayo. Let's ride our cars nalang. Sino ba ang walang sasakyang dala? " Nagtaas ako ng kamay. Napapaligiran ako ng mga richkids.
" You can ride in my car " Napalingon ako kay david.
" No, I'm comming with Ashley " agad kong sagot.
" No terry. You can ride in david car " Nakangisi itong nakatingin sa akin.
" So. It's settle then. " Abbegail said and clap her hand " Let's go "
Wala akong ibang naging choice kundi sumunod kay david. Sobrang akward ng sitwasyon ko hayy.
" Put your seatbelt "
" O-kay. "
Tinuon ko ang atensyon ko sa bintana. Sobrang akward ng feeling. I never expect na magkakaroon ng ganitong pagkakataon. Pinangako ko sa sarili ko na i will never engage in leads business. At iiwasan ko sila hanggat sa makakaya ko. So i guess hindi ko talaga sila maiiwasan. This must be destiny na kahit anong gawen ay hindi na talaga mababago.
Huminga akong malalim at ngumalumbaba nalang habang nakatingin sa langit.
If i died again may iiyak kaya? Nang mabalitaan ng lahat ang pagkamatay ni ozianna ay wala manlang bumisita sa kaniya. I wonder kung ngayon ay may magbabago?
" Are you okay ? i looked at david and nod. everything seems new. Ngayon lang nalaman na kaya din palang magstart ng convo ni david.
" How about you, Are you okay ? " tinignan ko kung anong magiging reaksyon niya.
" I am.. "
" Good for you " I said and smile. Sana all ay okay. Sana all walang bigat na dinadala sa araw araw
" Are you really david? You looks like You're not david that i know "
" Do you know me then ?
" Ofcourse who wouldn't ? " Your aloof at ayaw mo sa maiingay na tao and yet your talkative person.
" I don't know. I'm not talkative and I don't like being with someone "
" But there's a one thing that i'm sure about. I'm being talkative when i'm with you. "
What?
Processing ......
Processing .......
Processing Failed.
David. Anong nangyare? Gosh Putangina mo naman. Pagpahingahin mo naman yung puso at isip ko charr
Sa kabilang banda naman ay hindi magkaunggaga si Liliane sa pag- assist sa mga customer. Punong puno ang store nila ngayon. Puno ng new arrivals ang mga damit nila kaya dagsaan ang mga tao.
" Miss may tumatawag ata sayo. Kanina pa nagriring yung cellphone mo " Dahang dahang lumingon si liliane sa lalaki. Pamilyar ang boses nito pero hindi niya alam kung saan niya narinig iyon.
Nanginginig nginig na kinuha ni liliane ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang damit. Hindi niya ineexpect na makikita niya ulit ang estranghero na nakita niya nakaraan.
Mukhang may kaya ito dahil sa uri ng pananamit bukod pa dun ay ang aking kagwapuhan nito.
Hindi nasagot ni liliane ang tawag ngunit nabasa nito ang text ng kaniyang amo na si Terry. Agad siyang lumingon sa kinalalagyan ng lalaki ngunit wala na ito.
Teka nasan na iyon? Hindi ko naramdaman ang pag-alis niya.
Napatingin ako sa sahig. Teka naiwan niya yung kwintas niya.
M.A. Mendez. basa ko sa makasulat sa pendant nito. Di bali ibabalik ko nalang ito kapag nagkita ulit kami.