Nagpasalamat si Dreya sa taxi driver matapos ibigay rito ang bayad niya. Mabilis siyang lumabas sa taxi at sa malalaking mga hakbang ay pumasok sa loob ng malaki at lumang simbahan na tinutukoy ni Sloven. Sa labas pa lang ng gate ng simbahan ay nakita na niya ang mini van ng Sunflower Haven kaya sigurado siyang naghihintay na sa loob ang kaibigan. Pagpasok ay nakita niyang tapos nang ayusin ni Sloven ang dekorasyon sa altar at pati na rin sa unahang mga upuan. Inabutan niya itong inaayos ang mga bulaklak sa pangatlong row ng upuan at nang makita siya'y kumaway. Nasa tabi nito ang tatlong box kung saan naroon ang mga flower decorations para sa simbahan. Mabilis siyang lumapit saka ibinaba sa upuan ang dalang shoulder bag. "How's Shana?" tanong niya habang maingat na kinukuha ang ilang

