Mahigit dalawang oras nang nasa gigantic ferris wheel si Dreya at nakatanaw sa tanawin mula sa itaas. She's been riding for four rounds already— dahil kada-ikot niyon ay umaabot ng tatlumpong minuto. She was only there to witness the sunset and to have peace of mind. Actually, not really. Dahil habang naroon siya ay wala naman siyang ibang inisip kung hindi ang una at huling araw na dinala siya ni Kane sa lugar na iyon. Kane... Huminga siya ng malalim saka itinuon ang tingin sa labas ng glass window ng cab, overlooking the mountains and the sea from afar. Kane brought her there once— noong araw na huli silang magkasama bilang magkasintahan. And she didn't really know why she went there. Sa katunayan, bago siya nagtungo roon ay dumaan din muna siya sa dating apartment kung saan siya it

