Hanggang sa marating nila ang Sunflower Haven ay hindi na muling nagsalita pa si Kane. Kahit siya ay nanatiling tahimik. She didn't want them to continue talking, dahil baka masabi niya rito ang lahat ng dahilan kung bakit ganoon na lamang ang galit niya para rito. As much as possible, she wanted to keep her painful past hidden— sapat nang si Sloven lang ang nakakaalam ng lahat. Nang huminto ang kotse sa tapat ng shop ay mabilis siyang lumabas at binuksan ang backseat kung saan naroon at tulog na tulog pa rin si Sloven. Tinapik-tapik niya ang mukha ng kaibigan upang gisingin ito. "Hey, Slov. Wake up." Umungol lang ito at bumaling sa ibang direksyon. Si Kane na bumaba rin at binuksan ang pinto sa kabilang bahagi ng backseat ay sandaling natigilan nang muling m

