"Hi Dreya, ano'ng oras na, hindi ka pa ba uuwi?" Mula sa pagkakayuko sa computer screen at pagtipak sa keyboard ay nag-angat ng tingin si Dreya nang marinig ang tinig ni Mr. Escobar. Nakatayo ito sa harap ng mesa niya nang may ngiti sa mga labi habang ang mga kamay ay nakasuksok sa mga bulsa ng suot nitong slacks. Lumingon-lingon siya sa paligid at nang makitang siya na lamang at si Betany ang natira ay kinunutan siya ng noo. Betany was sitting at her table, staring at her and Mr. Escobar with a smirk on her face. Sa tipo ng tingin nito'y alam na alam na niya kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Niyuko niya ang relo sa bisig at nang makita ang oras ay lihim siyang umungol. Isang oras na ang lumipas matapos ang uwian, dapat ay nasa Sunflower Haven na siya sa mga oras na iyon. Ibinalik n

