Chapter 8

1225 Words
Kira's POV Dinala namin si Jae sa ospital nung nawalan ng malay sobra sobra kaming nag aalala sakanya parang kanina lang nilalagnat lang siya napakatigas naman kasi ng ulo non ayaw makinig. Tinawagan ko na lang din sila tita para ipaalam sakanila na nawalan ng malay si Jae kaya dinala namin sa ospital hindi ko naman alam kung bakit sobra sobra silang nataranta kasi ang alam ko lang naman ay hindi ata malala kalagayan niya ngayon kasi siguro sa sobrang panghihina at pagod lang niya kaya siya nawalan ng malay pero hindi ko alam bakit yung pamilya ni Jae ay todo taranta iyak nang iyak. Nakaupo lang kami dito sa labas ng kwarto ni Jae dahil bawal daw kami pumasok may mga doctor naman na doon pero ang ipinagtataka ko lang bakit nagpapanic sila? "Doc, kamusta po kalagayan ng anak ko? Okay lang po siya diba? Magigising pa siya" umiiyak na tanong ni tita pagkalabas ng doctor hindi mo naman maintindihan itsura ng doctor pero bakit natatakot ako na may kasamang kaba? Kinakabahan ako sa isasagot ng doctor sana naman mali nasa isip ko, ano bang meron? Bakit ganto mag alala at umiyak pamilya ni Jae? May lagnat lang naman siya siguro pagod lang yon o kaya stress kaya nawalan ng malay magigising pa naman si Jae kailangan lang makabawi ng pahinga yon para magising na, sana ganto sabihin ng doctor "Im sorry, ginawa naman namin lahat pero ayaw na lumaban ng katawan niya sa sobrang panghihina, excuse me maiwan ko na muna kayo diyan madami pa akong pasyente and condolence" malungkot na sabi ng doctor sa amin hindi din makapaniwala sa narinig ko. Pumasok kami sa kwarto na pinaglalagyan kay Jae "Totoo ba tong narinig ko? Bakit? Ano nangyari? Nilagnat lang siya kanina ahh tapos ganto na agad? Wala na siya?" Iyak ako nang iyak hindi malaman gagawin ko hindi ko matanggap, gusto ko tanungin ang diyos bakit siya pa? Sa dami dami ng tao bakit siya pa yung napili? Napakabait na tao ni Jae para sa akin siya yung pinakamabait lahat ng gusto namin binibigay niya para niya na kaming jowa sa sobrang pang ispoil niya sa amin hindi niya rin kami hinahayaang masaktan kasi ang dahilan niya pag nasaktan kami o kaya umiyak kami doble daw sakit sakanya yon kasi hindi niya daw nagawa yung tungkulin niya bilang kaibigan para sa amin. Napakabait ni Jae hindi niya kami binibigyan ng sama ng loob ayaw niyang may nakikitang nag aaway sa amin pag may alitan kinakausap niya both sides tsaka kami pagbabatiin. Hindi ko na alam gagawin ko nasasaktan ako pinipilit kong huwag umiyak kasi ayaw ni Jae na nasasaktan kami pero alam ko naman na gigising pa siya magtatapos pa kami. Oo Tama! gigising pa siya! nagpapahinga lang siya alam ko "Kasalanan natin to eh, siguro kung pina confine natin si Jae buhay pa yon hanggang ngayon panigurado bakit ba kasi tayo sumunod sakanya na bigyan siya ng normal na buhay? Eh hindi nga pwede sa kalagayan niya yon? Napaka sama natin dapat pinilit natin si Jae o kaya pinaliwanag sakanya na hindi siya pwede magkaroon ng magandang buhay ang laki ng pagkukulang natin sakanya ni hindi man lang natin natugunan yon" pag iyak na sabi ng tatay ni Jae lahat ng nandito sa labas ng kwarto ni Jae ay umiiyak na, dumating na din sila Ana at hindi na din alam gagawin iyak lang sila nang iyak hindi alam ang sasabihin "Tama na wag na kayo umiyak, bakit ba kayo umiiyak ahh?, gigising pa si ate natutulog lang yon may tiwala ako kay ate kasi lahat ng sinasabi non sa akin tinutupad niya wala siyang hindi tinupad kaya nagtitiwala ako na gigising pa siya, tsaka ano ba para kayong mga tangang umiiyak diyan alam niyo naman na ayaw ni ate ng umiiyak gusto niya palaging masaya tsaka alam ko din na lumalaban si ate sa cancer kaya hindi siya mawawala" pagpapalakas ng loob ni Joshua sa amin, natahimik kaming lahat sa sinabi ni Joshua. So, all this time? Kung kailan huli na ngayon lang namin malalaman na may cancer si Jae? Pero bakit? Bakit hindi niya man lang sinabi sa amin? Kaibigan niya kami eh nasaktan kami sa isipin na yon, ganon ba siya kawalang tiwala sa amin para hindi sabihin yon? Ano pa't kaibigan niya kami? Sinabi ko naman sakanya na kapag may problema siya pwede siyang magsabi sa amin makikinig kami pero ni isang beses hindi siya nag open up sa amin lagi niyang kinikimkim kaya pinapasaya na lang namin siya sa tuwing magkakasama kami. Kung alam siguro namin na may cancer siya hindi namin siya hahayaang lumaban mag isa kasi tutulungan namin siya lumaban. Madami pa siyang pangarap sa buhay gusto niya pa mabigyan ng magandang buhay magulang niya, gusto niya din makapagtapos si Joshua at makitang maging successful sa buhay, gusto niya din makita kaming may kaniya kaniya ng pamilya kaya pala lagi niyang sinasabi na wala sa plano niya ang mag asawa at ang pinaka gusto niya ay yung makita yung kababata niyang si Zaiden, araw araw niyang sinasabi sa amin yon, araw araw niyang kinukwento kung paano sila noon na sana daw ay hindi siya nakalimutan ni Zaiden, gusto niya na daw makita yon at makausap para malaman yung dahilan ng pag iwan sakanya ni Zaiden, gusto niya din na magkita sila at gagawin nila yung mga hindi nila nagawa noon, gusto niya makasama si Zaiden sa pagtatravel at marami pang iba, minsan nagseselos na kami kay Zaiden kasi laging siya yung bukam bibig ni Jae sa amin pero ngayon naiintindihan ko na lahat ng nangyayari. Malakas si Jae kilala namin siya sa pagiging palaban at malakas kaya alam naming lalaban siya at magigising. Nagulat kami ng may lalaking padabog binuksan ang pinto at patakbong pumunta kay Jae na parang nanghihina at mangiyak ngiyak "JAE! Nasan ka na?!, nandito na ako ohh, alam kong hinahanap mo din ako, ako 'to si Zaiden yung pinangakuan ka na hindi ka iiwan pero iniwan kita kasi yung lola ko sa America nag aagaw buhay na kaya kinailangan namin pumunta doon at nagtagal din kami don, nagsisisi ako kasi bakit ngayon lang kita nahanap, ni hindi man lang kita nakausap ng maayos, Jae bumangon ka na diyan ohh, gumising ka na, gusto ko marinig boses mo, gusto ko makita pa kitang tumatawa, sobra sobra ako nagsisisi siguro kung pinuntahan agad kita naging maayos pa tayo, ginagawa siguro natin yung mga hindi natin nagawa noon, Jae please madami pa akong gustong gawin natin, madami pa akong gustong sabihin sayo. Alam kong ayaw mong nakikitang umiiyak kami pero Jae masakit eh mahirap tanggapin na wala ka na, ayaw ko tanggapin na wala ka na, alam kong natutulog ka lang diyan at maya maya magigising ka diyan kaya sana wag mo kaming biguin ahh" umiiyak na sabi ni Zaiden. Lahat kami dito sa kwarto ay humihikbi na dahil sa mga pinagsasasabi niya "wag masyadong masarapan sa paghiga sa malambot na kama at aircon dito sa loob ng ospital kaya kitang bilhan ng madami niyan kaya gumising ka na diyan" pagpapatawa ni Zaiden kaya lahat kami natawa pero hindi pa rin nawawala yung sakit na nararamdaman namin "Jae bangon ka na ahh, madaming nagmamahal sayo ohh, inaantay ka namin lahat kaya wag mo kaming bibiguin" dagdag na sabi ni Zaiden --------------------- Thank you!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD