"f**k! I'm late!" inis na sabi ni Luke sa kaniyang sarili nang makita ang oras sa kaniyang sasakyan. Sunod ay napatingin siya sa kalsada at hindi na nga mapigilan na mapabusina dahil sa inis sa traffic. Sinubukan niyang tawagan si Rose pero hindi ito sumasagot. Marahil ay nasa loob na ito ng clinic dahil sinabi nito na hindi na siya hihintayin at ang tagal niya. Sinubukan niya naman na humabol subalit ay hindi talaga siya pinaalis ng executive ng kumpanya na kasama nila sa project. Hindi niya pwedeng tanggihan ito lalo pa at pinapabango niya ang kanyang pangalan dahil sa eskandalo na ibinigay sa kaniya ni Cindy. Pero ngayon, nang kaniyang mabasa ang mensahe ni Rose na huwag na siyang tumuloy dahil ito na lang ang magpapacheck-up ay bigla niyang kinuwesyon ang kanyang naging desisyon. N

