Nagmamadali na tumakbo si Luke sa hallway, nang makatanggap ng tawag mula kay Cris. Labis siyang nagmadali, sinubukan na humabol. Ngunit pagbukas ng pinto ng delivery room ay bumungad sa kaniya ang malakas na iyak ng kaniyang anak na buhat ngayon ni doc Cris. Lumapad ang kaniyang ngiti at nilapitan ang sanggol at binuhat ito na halos maiyak. Napatingin siya kay Cindy na nasa delivery bed, nakangiti ito at nakatingin sa kanilang dalawa. "Congratulations, it's a baby boy." ---- Saglit na napatingin si Rose sa bahay nila ni Luke. Pinagmasdan ito sa huling pagkakataon. Hindi niya mapigilan na maluha habang inaalala ang mga alaala na mayroon sila ni Luke sa bahay na ito. Tanda niya pa ang unang araw na tumira siya sa bahay na ito na para sa kanila ni Luke. Ang bahay na inisip niya kung s

