CHAPTER 4: Judge and Attorney

2812 Words
Ang akala ko'y normal lang na kaibigan ng ex-boyfriend kong si Greg may tinatago pa lang yaman...Hindi lang iyan, mukhang myembro din siya sa isang sindikato at siya ang namumuno. I couldn't imagine how big the two billion just so he could buy me? Pagkatapos niyang ipaalam sa akin tungkol sa pinag-uusapan nila ni Mommy patungkol sa pagbenta sa akin ng dalawang bilyon. Hindi ako makatulog kaiisip kung sa paano'ng dahilan...Bakit nagawa ni Mommy sa akin ang ganoon. Bakit sarili niyang anak nagawa niyang ibenta? Does she know how dangerous the man who brought me? Hindi ako naniwala noong una pero pinakita ako ni Nicolas sa cheke na may nakapangalan kay Mommy. It means, totoo nga na binenta ako ng sarili kong ina. Sinubukan ko namang magtrabaho para tustusan ang pangangailangan niya sa Hospital. Bakit nagawa niya sa akin ito nang hindi ko nalalaman? Bakit umabot sa punto na binenta niya pa ako sa lalaking kagaya ni Nicolas? "Mom, I won't forgive you for doing this to me!" sigaw ko habang umiiyak sa tahimik na kwarto. Nandito pa rin ako sa malaking silid. hindi na nila ako binalik sa unang kwarto na nadatnan ko pagkagising. Here is more comfortable and widely open. I can also breathe too. Tulala pa rin ako sa kawalan. While thinking of what we've talked about earlier. Hindi na dinagdagan ni Nicolas ang sinabi niya kanina na magmula raw ngayon. He owns me. Bago ang lahat, tinanong ko si Nicolas kung bakit nagawa akong ibenta ni Mommy sa kanya. But he didn't know the answer too. At first hindi raw pumayag ang Mommy ko noong una, nagalit pa nga raw ito dahil sa kanyang Alok na bilhin niya ako, pero sa susunod raw na mga buwan nagpakita iang Mommy sa kanya at tinanong si Nicolas kung interesado pa rin ba itong bilhin ako. And she wants a two billion worth of my price. Mukhang desperada na raw magkapera si Mommy dahil nagmadali raw ito noong nakuha niya ang cheke. Bigla akong nabahala sa Mommy ko lalo na't maayos naman kaming mag-usap noong huling video call namin sa phone. Hindi naman niya sinabi sa akin kung may problema ba siya. Tinanong ko rin si Nicolas kung kailan lang nakuha ni Mommy ang pera. Ang sabi niya last month lang daw. It means, matagal na pala niya akong binenta pero ang tanong bakit tila naghirap pa rin si Mommy noong nagdaang mga linggo? Wala akong naalala na may sinabi ang ina ko sa akin tungkol kay Nicolas pero naalala ko na may sinabi siya sa akin almost a year ago na may naghahanap raw sa akin na lalaki. Matangkad at gwapo daw. Ang sabi raw may utang ako. Nasa isip ko baka ang ex-boyfriend ko iyon dahil wala naman akong maalala na may kaibigan akong lalaki na mag inuntangan din ako. Ngunit napagtanto ko ngayon lang na baka si Nicolas ang tinutukoy ni Mommy na may utang ako. Well, hindi ako nagka-utang sa kanya ng pera kaso nagka-utang ako sa isipan na iniwanan ko siya noong araw na may nangyari sa amin. At matagal na iyon, siguro halos dalawang taon na ang lumipas. Tapos ngayon na lang ulit kami nagkita. It was a big mistake. Maling-mali talaga na sa kanya ko isinuko ang pagkababaé mo at ngayong nagsisi ako dahil hinahabol ako ni Nicolas. Parang sa nangyari na iyon. Pagbabayarin ko pa habang buhay. KINABUKASAN...Laking gulat ko nang biglang pumasok si Nicolas sa kwarto ko. "Bakit nandito ka? Sasaktan mo ako?" sigaw ko pa sabay punta sa sulok ng kwarto. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. Bitbit niya ang tray na may lamang pagkain. Nilapag niya ito sa bedside table pagkatapos tiningnann niya ako diretso sa mukha. "You should eat now. I'm gonna talk to you later." Suminghap ako nang mapagtanto ko na iba ang itsura niya sa umaga. Sobrang bait ng mukha nito, maamo at gwapo. He's just wearing a simple black T-shirt, white pants and a sleeper. Hindi katulad kagabi, grabe ang takot ko sa awra niya. Ibang-iba talaga siya sa umaga. Hindi mo akalain na isa siyang mamatay tao. Para lang siyang tahimik na lalaki na hindi mo makausap dahil may sarili siyang mundo. No wonder he's a mysterious guy since I met him. Noon pa man, alam kong may tinatago siyang lihim sa likod ng seryoso niyang mukha. Hindi rin siya marunong ngumiti. He's always silent and always listening around him. That's why I've heard about him. "Wala akong ganang kumain...Ilabas mo ako dito! I wanna go home, Nicolas!" sigaw ko pa. Sinamaan ko siya ng tingin. Namulsa siyang lumapit sa akin. Nagtungo ako sa kama para doon magtago sa comforter. I shivered when our eyes met. After a while, he lean closer in my face. Hinawakan niya ang panga ko, sinamaan niya ako ng tingin. "Kakain ka ba o tatlong araw kitang hindi pakainin," mariin niyang turan. Nanginginig ako nang makasalubong ang brown niyang mata. I just looked at him in disbelief. Sa galit ko, sinampal ko siya nang malakas. "Hindi ako kakain! Gusto ko nang umuwi!" sigaw ko pa sa kanyang mukha. Hindi ko inalintana kung tumalsik ang laway ko. Tumabingi ang kanyang pisnge. Klaro ko kung paano gumalaw ang kanyang panga nang ilang beses. His nose were very pointed, his lips were grith teeth. His eyes were darkened. Lumakas ang kaba sa puso ko. I've never been so scared like this. Para akong mauubusan ng hininga habang tinitigan ko lang siya ngayon. "Gusto ko nang umuwi sa Mommy ko. Please! Pakawalan mo na ako!" Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Ganoon na lang ang kilabot ko nang madilim na mga mata ang nakasalubong ko. He tilted his head, framing his jaw. "The next time you slap your hands on my face again. Hindi ko na palagpasin, Melissa. Make sure, you do behave." Nakahinga ako nang maluwag nang lumayo na ito sa akin. Tiningnan niya ako ng panghuli. "This is your last meal. I won't give you any fúcking food for the past three days. So you will learn your lesson." Tumalikod na ito saka umalis sa aking kwarto. Iyak lang ako nang iyak dahil sa takot. Buong akala ko sasaktan niya ako pero hindi niya ginawa. But as my punishment, hindi niya ako pakakainin sa loob ng tatlong araw. Is he serious about that? Sa tingin niya matatakot niya ako kung hindi niya ako pakakainin? Ayaw ko sanang seryosohin ang pananakot niya. But he's a man of words. Umabot na ng dalawang araw hindi niya ako pinapakain. Maski bigyan ng tubig hindi niya ginawa. I only drink the sink water para lang maibsan ang gutom at pagka-uhaw ko. Nanginginig ako habang nakahiga sa kama dahil sumakit ang tiyan ko. Pakiramdam ko, lalagnatin ako dahil masama ang pakiramdam ko ngayon. "B-bigyan niyo ako ng pagkain!" Panay katok ako sa pintuan. Nagbabakasaling may magbubukas ng pinto. Ngunit hindi nangyari hanggang sa mawalan ako ng pag-asa na makakain sa araw na ito. Two day ko nang tiniis ang gutom pero hindi ko pala kaya. I thought I could survive. But I was really wrong. Buong araw natulog lang ako sa kwarto, iniinda ang naramdamang sakit ng aking tiyan. Sa pangatlong araw, ramdam kong hinang-hina na ako. Maski itayo ko ang mga paa, nanginginig talaga ako. Ngayon ko lang na pagtanto na mali na ginagalit ko si Nicolas. Hindi siya marunong maawa. Mas masahol pa siya sa kaibigan niyang si Greg. He do make me suffer. Hindi ko nakita ang presensiya niya nitong nagdaang araw. The last time we spoke, noong araw na binigyan niya ako ng punishments. Sumapit ang gabi, sinubukan kong tumayo bagama't hilong-hilo na talaga ako. I can't resist the hunger anymore. Uminom ako ng tubig sa gripo, kahit paano naibsan na naman ang gutom ko. Ngunit hindi ito sapat para mawala ang aking panghihina. Sinubukan ko ulit magtawag ng tulong sa likod ng pintuan. Pinokpok ko ito nang ilang beses. "Buksan niyo ito...ilabas niyo ako rito, Nicolas! Sobrang hayop mo!" Humagulhol na ako. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Nasa harapan ko ngayon ang lalaking palagi kong nakikita rito sa bahay, iyong lalaking mahaba ang balbas. Siya na naman itong kaharap ko. Napatingin ako sa baril na nakasuksok sa kanyang bewang. "Nasaan si Nicolas? Gusto ko siyang makausap." Halos wala nang tunog ang boses ko. "Wala si boss rito. Bukas pa siya babalik dito sa mansyon... Ano'ng kailangan mo?" Hindi ako mapalagay. Lumunok ako nang maraming beses. "Gutom na gutom ako...Gusto ko ng pagkain. Uhaw na uhaw rin. Baka pwede akong makahingi ng tubig." Tumitig lang sa akin ang lalaki saka niya ako tinutukan ng baril. "Bukas ka pa pwedeng kumain. Utos ni boss na hindi ka namin bigyan nang kahit ano sa loob ng tatlong araw. Hintayin mo mag-umaga saka ka pa makakain...maski tubig. Wala kang makukuha." Isasarado niya sana ang pintuan ngunit mabilis ko itong pinigilan. "G-gamot...k-kailangan ko nang g-gamot." Nanginginig ang boses ko dahil ramdam ko ang labis na init sa aking katawan. Kagabi pa ako may lagnat. My knees shivers too. I can feel that I'm in my weakest health right now. Tumitig na naman siya sa akin . Hindi ko nakitaan na may awa ito. "Pumasok ka na sa loob. Hintayin mo ang boss na umuwi." "P-please, g-gamot l-lang ang hiningi ko sa inyo..." Humina ang boses ko. I massage my temple and hold the door knob. Naramdaman ko na lang ang pagkahilo. My vision went black. Huling kong namalayan nawalan ako ng lakas at umiikot ang paningin ko. NAGISING...ako sa isang kwarto na pinag-stay-han ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Una kong nakita ang malaking chandelier. "Mabuti, gising ka na." Kinilabutan ako nang marinig ang baritonong boses sa sulok.Paglingon ko, nakita ko si Nicolas na prenteng nakaupo sa isang sofa. He is so manly the way he sat. Diretsong ang tingin niya sa akin. "Nicolas..." bulalas ko. Namanhid ang aking pisnge nang maalala ko ang huling encounter namin. "You passed the three days punishments...You can eat now." "Ilang oras ako nawalan ng malay?" Bumangon ako sa pagkahiga. Paglingon ko sa bed side table may pagkain na roon na sabaw at iba pang ulam na puro masasarap. May gamot na rin at tubig. "Kahapon ka pa nawalan ng malay. You have a severe fever... I guessed, you've learned your lesson now, Melissa?" Tumayo siya sa pagkakaupo para lapitan ako. Ramdam ko ang panginginig kahit sa titig niya pa lang sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "I've been here for I don't think almost two weeks...Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Nicolas? I don't get your point why you want to sold me?" Kumunot ang noo ko sa kanya. Huminto siya sa pagkahakbang sa kanyang paa. He looked at me sharpen, until he is getting emotionless. "Eat first and drink your medicine. Kakausapin kita pag tapos ka na sa lahat." Malakas na lang akong nagbuntong hininga habang sinusundan ko siya ng tingin na palabas ng kwarto. Ngumuso ako at tiningnan ang pagkain sa aking tabi. Sa totoo lang, puno ako ng kuryusidad kung bakit niya ginagawa sa akin ito? Bakit sa lahat ng babae na pwede niyang bilhin bakit ako pa ang pinili niya? In fact...He's really handsome. Mayaman din siya. At sa kwento ng ex-boyfriend ko sa akin, marami na raw naging girlfriend si Nicolas kaya bakit niya ginagawa ito? Bakit kailangan niya pa akong guluhin? Bakit sa akin pa? Only my him can answer all my questions. Natapos ako sa pagkain. Nagkaroon na ulit ako ng lakas lalo na't nakainom na ako ng gamot. Pumunta ako sa pintuan. Sinubukan ko itong buksan. I was expecting that maybe it is lock, but I'm still hoping na hindi ito naka-lock. But when I turned the door knob. Laking tuwa ko nang mabuksan ko ang pinto. I was stunned...literal na hindi ako mapalagay sa sobrang tuwa. Pagkabukas ko ng pinto. Walang mga lalaking naka-itim ang nagbabantay sa labas ng kwarto ko. Mas lalo kong naramdaman ang saya. Agad kong tinahak ang hallway. May mga pintuan akong nadadaanan. Ngunit mas pinili kong dumiretso na lang sa paglalakad. Hanggang sa maabot ko ang staircase. Napansin kong maraming mga tauhan sa ibaba. May mga baril silang dala. Masaya silang nag-uusap doon sa malaking sofa. Nagtago muna ako sa pader para mag-isip kung paano ako makatakas rito. This is my only chance lalo not nasa ibaba silang lahat. May pinag-uusapan sila doon na importante. "Hindi ko alam kung ano'ng balak ni boss sa bihag nating babae. Pero mukhang kailangan niya ito para sa isang misyon." "Ano'ng misyon naman ‘yun, Cyrus?" Natigilan ako at biglang nagkaroon ng kuryusidad sa pinag-uusapan nila. For sure, ako ang tinutukoy nila na bihag ni Nicolas. "Ngayong araw magpupunta si boss Nicolas nang Attorney at judge." "Para saan?" "What all of yo doing here? Did I tell you to gossip in my house?" Natigil ang lahat sa pag-uusap nang marinig nila ang boses ni Nicolas na halatang galit. Sinilip ko ang ibaba at nakita kong nandoon nga si Nicolas, kaharap noong mga tauhan niya. May hinanda siyang baril kaya natakot ang mga tauhan nito. "Boss, pasensiya na..." Yumuko ang ilan sa kanila. "Puntahan niyo si Melissa sa kwarto. Pupunta na rito ang Attorney at judge. Tell her that she should change her clothes and at least wear presentable." Mabilis akong bumalik sa kwarto nang marinig iyon. Humugot ako nang malalim na hininga sa pagkat wala akong alam kong ano'ng balak ni Nicolas. Ano iyong narinig kong misyon? Para saan? At bakit may Attorney saka judge? Ang dami kong katanongan sa aking isipan na tanging si Nicolas lang ang makakasagot. Ilang sandali pa may kumatok sa pinto ko. Humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Narinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yapak palapit sa akin. "Alam kong gising ka. Utos ni boss Nicolas, magbihis ka raw at pumunta ka sa ibaba. Gusto ka niyang kausapin." Hindi na ako sumagot. Mabuti na lang hindi mapilit ang tauhan ni Nicolas para kaladkarin ako sa banyo. Hindi katulad noong una na sa pilitan nila akong pinaligo. Agad na akong naligo at naglinis sa sarili. Kahit hindi ko alam kung ano'ng susuotin ko. Wala naman akong presentableng damit. Ngunit sa kalagitnaan nang pagligo ko, laking gulat ko na lang nang may kumatok sa pinto ng banyo. "Sino ‘yan?" Kukunin ko na sana ang bath rob ngunit nang marinig ko ang boses ni Nicolas natigilan ako. "I bring you clothes. Wear that and go downstairs. I'll wait for you." Narinig ko na ang yapak niya palayo pagkatapos niyang sabihin iyon. Huminga ako nang malalim saka pinagpatuloy na ang pagligo. Hindi ko alam kung bakit sinusunod ko siya. Dapat sana aapila ako sa lahat ng utos niya pero dahil ayaw kong bumalik sa pagkagutom hanggang sa magkasakit kaya kailangan kong magpakabait. Nang matapos ako sa pagligo, tiningnan ko ang binigay na damit ni Nicolas. Umawang ang labi ko pagkakita ko sa puting fitted dress na above the knee ang haba. Pa ekis ang tela sa bandang dibdib at kita ang likuran ko dahil sa backless style niya. Sobrang ganda ng bodycon dress kaya agad ko itong sinuot. Napansin kong may paper bag sa ibabaw ng bed side table, agad ko itong binuklat para kunin ang laman nu'n. I saw a box na kasing lapad ng kamay ko. Meroon ding suklay rito, mga lotions, perfume, conditioner and shampoo. Meroon ding mga panty at bra. Namula ako nang makita ang desinyo ng panty at bra na terno. Mga nasa tatlong terno iyon at puro lingerie. Umupo ako sa kama para buksan ang itim na box. Pagkabukas ko nito umawang ang labi ko nang makita ang mamahalin na kwentas na gawa sa dimaond at gold pendant stone. Agad ko itong sinuot at napangiti nang masilayan ko na bagay sa akin ang suot ko. Huminga ako nang malalim saka hinanda na ang sarili para bumababa na ako sa unang palapag. May nadadaanan akong mga naka men in black pero tiningnan lang nila ako. Hindi nila ako hinawakan maski pwersahan na dalhin sa ibaba. Hinayaan nila akong malayang maglakad sa hallway, patungo sa staircase. Habang pababa ako. Nakita ko si Nicolas sa isang parihaba na puting sofa. Sa kanyang harapan may dalawang matanda ang kausap niya. Ngunit natigil siya sa pagsasalita nang makita niya akong pababa. Nakaramdam ako nang pagka-ilang nang masilayan niya ako at pinagtuonan ng pansin. I saw him move. Niluwagan niya ang neck tie sa leeg habang hindi iniiwas ang titig sa akin. I felt a little bit uncomfortable the way he stared at me. Kahit walang emosyon ang mga titig niya para akong malulusaw nu'n. Kinagat ko ang pang-ibabang labi saka nag-iwas ng tingin. I act confidently, hanggang sa nagtuloy-tuloy lang ako sa pagbaba para lapitan ito. Wala akong idea sa mangyayari ngayon pero alam kong may binabalak si Nicolas na alam kong hindi ako makakatakas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD