Mahirap umasa sa masayang happy ending pero para sa amin ni Nicolas. Parang kuntento na ako sa aming dalawa. He made me really happy. With his full efforts, full support, full of happiness that he gave me. Nagising ako na parang naduduwal. Hindi ko maiwasang tumakbo sa loob ng banyo habang nagpipigil. Noong makapasok ako sa loob ng banyo. Sumuka ako sa inidoro. Kaagad akong nakaramdam nang pagkahilo dahil sa naranasang pananakit ng ulo. Hindi ko namalayan na nagising ko pala si Nicolas nang makabangon ako. Sinundan niya ako sa comfort room. Nag-alala ang mga tingin niya sa akin. "How are you wife?" nag-alala niyang tanong. Hindi ko siya masagot dahil sa nadarama kong pagkahilo. Hinimas-himas niya ang likuran ko. Nang matapos ako sa pagsusuka. Pinasandal niya ako sa dibdib niya.

