Nakakatakot kung mangyari man ‘yun na magiging kalaban ko si Nicolas sa pagdating ng panahon. But I hope, it won't happen. Wala rin akong rason para kamuhian siya. Unless if he hid a secret from me. Malakas akong nagbuntong hininga habang bumalik sa kwarto. Napagpasyahan kong huwag na lamang tumuloy sa pagbaba ng hagdanan pagkatapos kong marinig ang usapan nila Nicolas. Tila nawalan ako nang ganang gumalaw ulit. Nakakapanghina nang kalamnan. Ano ba talaga ang alam ni Nicolas tungkol sa pagkatao ko? Bakit ganoon siya kung magsalita? Kahit gutom ako tiniis ko na lang iyon pero kalaunan biglang pumasok si Nicolas sa kwarto. Kinilabutan ako bigla sa kanyang presensiya. I felt a little botherd. These past few days. Ang hirap para sa akin na balewalain na lang itong mga nalalaman ko. N

