Sumandal ako sa main entrance ng high end bar. Tumitingin ako sa paligid, dahil pansin kong mga nasa limang lalaki ang naghihintay kay Hanz. Nasa iba't-ibang lugar sila naka pwesto. Nagkunwari akong normal lang na babae rito sa labas. Kumuha ako ng sigarilyo, this is also a props. Hindi naman talaga ako marunong mag-sigarilyo pero dahil kailangan kong gampanan ang pagiging normal na party girl. I need to use this. Mga five minutes yata akong naghihintay kay Hanz sa labas hanggang sa makita ko na siyang palabas ng main entrance. May dalawang lalaki ang nakasunod sa kanya Napatingin ako sa bitbit niyang itim na bag. Ang laman niyan, walang iba kundi ang binili niya kay Nicolas na mga baril. Pagkakita niya sa akin natigilan ito nang bahagya. Binigay niya ang malaking bag sa kanyang

