Jamaica’s POV May mga sugat na hindi mo naaalala araw-araw. Pero kapag may bumalik na tao mula sa nakaraan, parang kusa silang bumubukas. Dalawang araw matapos ang dinner incident, mas naging agresibo ang media. Sa bawat business headline, may kasamang litrato namin ni Sayven. May kasamang tanong. May kasamang duda. At ngayong umaga, may isa pang pangalan ang idinagdag sa equation. Leon Cortez. Nasa Monteverde lobby ako nang sabihin ng assistant ko, “Ma’am, Mr. Cortez is here for the 10 a.m. strategy session.” Tumigil ang kamay ko sa pag-aayos ng files. I knew this would happen. Hindi maiiwasan. Ang Helios Project ay originally conceptualized years ago — kasama si Leon. Bago pa ako ikasal. Bago pa naging Monteverde ang Monteverde. “Let him in,” sabi ko, kontrolado ang boses. Pa

