MJ and Sunny are getting married today.
Parang kailan lang noong pinakilala ni MJ si Sunny sa grupo namin. She’s June’s best friend. June is MJ’s sister-in-law. Kinasal kasi siya nito lang kay Kuya TJ, panganay sa magkakapatid na Valderrama.
Hindi naman na bago sa amin ang makakilala ng babaeng dine-date ni MJ. Kasi simula nang maloko siya ni Veronica, ‘yong fake ex-friend ni Reign na may asawa’t anak na pala pero nakipagrelasyon pa sa kanya at muntik pa niyang pakasalan, maraming babae na rin ang nagdaan sa buhay niya. Para bang wala na siyang sineryoso pa. Kaya nga ang madalas na biro sa kanya ni Quinn ay para siyang lalaking p****k.
Hindi naman sa babaero si MJ. He’s just a flirt. He neither commits nor gives women false hope. He has always been honest with what he feels and what he wants from someone.
Kaya buong akala talaga namin ay isa lang si Sunny sa mga babaeng dadaan sa buhay niya.
Who would have thought that their no-strings-attached relationship would eventually turn into a lifelong marriage? Nagseryoso ang loko at ngayon ay ikakasal na nga.
Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid ng simbahang pinili ni Sunny para sa kanilang kasal. Ang alam ko’y mahirap makapagpareserba rito dahil sikat na sikat na venue ito sa mga palabas at pelikula. Pero mukhang nagawan ng paraan ni Sunny dahil mayaman siya at ang kanyang pamilya.
Ayon nga lang, dahil hindi ganuon kalakihan ang simbahang ito, nagulat ako sa dami ng taong imbitado. Halos mapuno na kasi ang simbahan. Mukhang marami silang inimbita at mukhang mga bigating tao pa. Bakas sa mukha ng ilan na hindi sila kumportable.
Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin nito. Siguro hindi lang ako sanay sa ganitong klase ng kasal. Kahit kasi mayaman ang mga Valderrama, simple at mas intimate lang ang mga kasal nilang hinawakan ko. I was the one who handled Reign and Kuya TJ’s weddings.
Nakakatuwa namang mas bongga ang kasal ni MJ ngayon. Bagay din kasi ito sa kanyang personality dahil gustong-gusto niya ng atensyon. Kahit sa simpleng pananamit, madalas gusto niya ‘yong stand out siya so he wears bold colors or those with flamboyant design.
Kaya nga siya rin ang laging ibinibida ng mga Valderrama sa lahat ng mga social events nila. As the Chief Operating Officer (COO), parang siya ang madalas gawing mukha ng Valderrama Corporation.
Umayos ako ng upo sa second row. Kanina pa ako hindi mapakali. Siguro’y naninibago lang akong maupo sa isang event. Kadalasan kasi talaga ay ako ang punong-abala pagdating sa ganito. Madalas din na hindi talaga ako nakakaupo.
Pero si Sunny kasi ang nag-asikaso ng kasal nila ni MJ. She hired a different events team and paid a huge amount of money for everything. Wala namang problema dahil afford niyang gumastos nang malaki. Baka nga barya lang ang kanilang milyong-milyong gastusin sa kasal na ito.
But looking at the venue set up, para sa budget na inilabas nila, alam kong pwede pa itong mas mapaganda. Para kasing tinipid sila ng kinuha nilang events team. Gusto ko sana itong sabihin, pero ayaw ko namang masabihang nagmamagaling. Dahil hindi naman hinihingi ang opinyon ko, wala na lang akong sinabi pa at um-attend na lang dito bilang isa sa kanilang mga bisita.
Nandito ako bilang kaibigan ni MJ. Hindi bilang isang events coordinator.
“Bakla mag picture--” Nawala na naman sa tabi ko si Quinn. Aayain ko sana siyang mag-selfie.
Nang hanapin ko si Quinn sa paligid ay nakita kong panay ang picture niya sa isang sulok. Natawa na lang ako dahil kahit hindi siya ang kinuhang official photographer sa kasal na ito, panay pa rin ang pag picture niya.
Ang sabi niya kasi sa akin ay wala siyang tiwala sa kinuhang professional photographer ni Sunny. Kahit daw kasi sikat at mahal ito, nakita na niya ang mga kuhang litrato nito at pang-amateur. Kaya para sa kaibigan namin, gagawin pa rin niya ang kanyang trabaho.
Ilang minuto na kaming naghihintay ngayon sa pagsisimula ng kasal. Kanina ko pa iniwan si MJ sa groom’s room kaya hindi ko alam what’s taking him so long.
Nilabas ko ang phone ko para sana tingnan lang ang oras nang makita kong may sunod-sunod na text messages pala sa akin ang bago kong artistang kliyente, si Elijah Charlesworth. May malaking concert kasi siya at ang event team ko ang kinuha para i-mount ito. Nakakatuwa man dahil sobrang hands on niya sa kanyang event, now is not the right time to work.
Para tumigil na siya sa pangungulit sa akin ay nag-reply akong naka-leave ako ngayong araw at nasa kasal ng best friend ko.
Pagka-send ng text ay saktong narinig ko ang pagbukas ng pinto ng simbahan. Kumalabog ang puso ko. Agad kong tinago ang phone ko dahil magsisimula na ang kasal—
Iyon lang pala ang akala ko.
Pumasok sa pinto si Reign at tuloy-tuloy ang lakad papalapit sa akin. Alam kong ‘di pa siya ang mauunang pumasok kaya mukhang ibang bagay ang ipinunta niya.
Paghinto niya sa harapan ko’y agad siyang bumulong sa tainga ko.
“We need to find Kuya MJ. He's not in the groom's room."
Kinutuban ako ng masama. Nanlamig ang buong katawan ko. Mukhang may kinalaman ito sa naging pag-uusap namin kanina. Kaya naman agad akong tumayo at sumunod kay Reign palabas ng simbahan. Kasunod na rin namin ngayon ang iba pa naming mga kaibigan.
Ayon lang, saktong paglabas namin ay nakasalubong ko si Elijah! Nakasuot siya ng sumbrero at mask na itim para hindi makilala ng mga tao. Pero dahil nagkita na kami noon ay madali ko siyang nakilala. Naamoy ko rin kasi ang matapang niyang pabango kaya alam kong kahit nakapikit ay hindi ako maaaring magkamali.
Pero talagang balak pa niyang makisabay ngayon?!
"Hi Tiffany, I already have some ideas for the event--"
"Really? Thanks! I would like to hear more about it. We can set up a meeting later," sabi ko nang 'di siya nililingon. Nagmamadali na kasi talaga ako. Bawat segundo ay mahalaga.
Tuloy-tuloy lang ang lakad namin papunta sa groom’s room at dito’y tiningnan namin lahat ng pwedeng pagtaguan ni MJ – comfort room, cabinets, and even under the table. Na-guilty tuloy ako dahil mukhang may kinalaman ‘yong sinabi ko sa kanya kanina sa desisyon niyang ‘di tumuloy sa kasal! Hindi naman niya siguro ibabase lang sa sinabi ko ang ganito kaimportanteng desisyon, ‘di ba?
"For the stage, maybe we can add more lights--"
“Yes, we will make sure to do that. Why don’t you send me an email instead? I will make sure to read and memorize every word,” sabi ko sa nakasunod sa ‘king kliyente ko. Hindi ko nga alam kung bakit niya ‘ko nahanap dito. Pero wala na rin akong oras para alamin pa ito. Basta ito lang ang sign na hinahabol talaga ako ng trabaho kahit saan man ako magpunta. Literal.
Hindi nakasingit si Elijah nang dumating na si Sunny sa loob ng groom’s room. She was having a hard time carrying her white gown on her own. May kirot akong naramdaman sa dibdib dahil mukhang nakarating na sa kanya ang masamang balita. She looked like she’s about to cry but was trying her best not to lose her composure.
Hindi ko nga lang inasahan nang ako agad ang nilapitan niya.
“Anong napag-usapan niyo kanina?” mariin ang bigkas niya sa bawat salita habang matalim ang tingin sa akin. Para bang wala man siyang sabihin, ramdam kong ako ang iniisip niyang dahilan ng pagkawala ni MJ.
At kahit alam kong parang ‘di naman yata tamang sa akin niya ibato ang sisi sa problema nilang dalawa, hindi ko na ito pinatulan pa dahil alam kong mabigat na ang kanyang pinagdadaanan sa mga oras na ito. Ayaw kong dumagdag pa rito.
“Wala ba siyang iniwang sulat o text man lang?” pagbabalik ko ng tanong at umiling siya agad.
“What were his last words to you?” pag-uulit niya. “Just tell me the truth!”
“He was not sure if he was about to do the right thing,” mabilis kong sagot.
Dito nalaglag ang panga niya at may luhang tumakas sa gilid ng kanyang mga mata. Kahit best friend ko si MJ, nasasaktan ako ngayon para kay Sunny. She deserves to hear the truth from MJ, not from me. But he left without giving her a proper closure. I can’t believe he left like a coward.
Hahawakan ko sana si Sunny sa balikat para i-comfort pero agad niyang pinalis ang kamay ko. I clenched my jaw and tried not to let my emotions get the better of me.
“Mas maganda kung malalaman natin ang explanation ni MJ. Let's find him first,” sabi ko at ako na ang unang umalis ng kwarto. I’m not really good at handling emotional situations kaya tumakas na agad ako.
Naghiwa-hiwalay kami ng mga kaibigan ko para mas mabilis naming mahanap si MJ.
Dahil nalibot na namin ang paligid ng simbahan, naisip kong magpunta sa hotel kung saan nag-stay ang lahat kagabi. At dahil makulit si Elijah, hinayaan ko nang sumama siya sa akin pagpunta rito.
“Pero ang priority talaga sa concert ay ‘yung lights dahil gusto ko maliwanag--”
"Yes. We will prioritize everything in your event. But can you please give me a break kahit ngayon lang? As you already know, I have a different priority. I'm looking for my best friend, who happened to be a runaway groom. Kaya kung ayaw mong ibang liwanag ang makita sa concert mo, you should probably shut your mouth… Sir."
Natahimik na si Elijah dahil ubos na talaga ang pasensya ko. Syempre ay takot din siya dahil ako ang may hawak ng manibela. Halos paliparin ko na rin kasi ang kotse ko. Kung gusto niyang tanggalin ako sa project na ito, bahala na siya. Ang mahalaga ngayon ay mahanap ko si MJ.
Pagdating namin sa hotel, dumiretso kami sa room number ni MJ pero nang halughugin namin ito, kahit anino niya ay ‘di namin nakita. Mukhang ‘di na siya dumaan pa rito. Mautak talaga ang isang ‘yon kahit kailan.
Hindi ko alam kung saan ko pa pwedeng mahanap si MJ. Nagpunta na kami sa bar na madalas naming puntahang magkakaibigan pero wala rin naman siya rito. Panay ang text at tawag ko sa kanya pero cannot be reached siya. Of course, he turned off his phone. What was I expecting?
At dahil kinailangan ko nang magpunta ng Batangas kahit malayo, ibinalik ko na sa simbahan si Elijah bago lumuwas. Hindi ko na siya pinasama pa dahil alam kong baka matagalan pa ang paghahanap na ito.
Instead, I made a deal with him to have a meeting the next morning. Pabor din naman ito sa kanya dahil parang masuka-suka siya nang ibaba ko.
Nang makaluwas na ako sa Batangas ay nagpunta akong una sa Valderrama Corporation. Dito'y nagtanong-tanong ako pero naging bigo. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kanilang bahay pero wala pa rin daw ito. Hindi pa umuuwi. Tuloy nakarating na rin ako hanggang sa beach resort nila.
I'm just feeling a little guilty because of what I said to MJ. I didn't know it would make him run away from the wedding. Alam kong impulsive siya pero hindi ko alam kung naging impulsive lang ba siya sa desisyon niya ngayon. Of all days naman kasi bakit ngayon pa nagbago ang isip niya?! Pakiramdam ko kasalanan ko pa.
Nang malapit na sana akong sumuko sa paghahanap dahil inabot na rin ako ng dilim, dito ko naisip ang huling lugar na pwedeng puntahan ni MJ.
Hiraya Falls
I’ve been to this property of the Valderrama family once dahil naitakas lang ako ni MJ. Balita ko’y bawal kasi silang magdala ng babae rito bukod kay Reign.
Wala namang masamang makasigurado. Kabado man sa gubat ay nagpunta pa rin ako rito at ginamit ang kahit anong natatandaan ko para mahanap ang talon. Mabuti na lang at matandain ako sa direksyon kaya sa kabila ng madilim na gubat ay palagay ko’y may patutunguhan naman ang daang tinatahak ko.
Siguro’y halos isang oras din ang tinagal bago ko narinig ang pagbagsak ng tubig galing sa talon. Malayo pa lang ay tanaw ko nang may apoy. Ibig sabihin ay may tao rito. Kaya naman nagkaroon ako ng pag-asa at nagmadali papunta rito.
At tama nga ako nang makita kong nakaupo malapit sa camp fire si MJ! Parang may malaking tinik na nabunot sa lalamunan ko.
Nilabas ko ang phone ko para balitaan ang mga kaibigan ko na nahanap ko na si MJ. Ayon lang ay mahina ang signal ko. Nakita ko lang ang huling text messages na pumasok sa phone ko galing kay Quinn.
QUINN: Bakla! Where na ba you? Nakita mo na si MJ? Kaloka! Nag fly away na rin si Sunny! Nag disappear! Naimbyerna ang mader at pader dahil sa kahihiyan kaya narinig kong na-instant delivery siya sa Amerika!
Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang pagkabigla. Pag-angat ko ng tingin, nakita kong nakatingin na si MJ sa direksyon ko.
Kaya naman bagsak-balikat akong naglakad papalapit sa kanya. Hindi ko alam ang rason kung bakit pinili niyang takasan ang kasal nila ni Sunny sa ganitong paraan. But he looked so broken and frustrated. Inihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha na para bang gusto niyang itago ang pagtakas ng luha sa gilid ng mga mata niya.
Kaya naman lumapit pa ako kay MJ at naupo sa bato sa kanyang tabi. Tulad niya’y tumitig ako sa apoy.
“She already left. Are you sure you won’t regret this?” Ang dami kong pangaral na baon pero wala akong nasabi kahit isa. Hindi ko kasi alam kung anong pinanggagalingan niya para husgahan ko ang naging desisyon niya. I just want to know if he’s sure about this so that he won’t regret anything.
MJ chose to remain silent this time. This rarely happens.
But even if he couldn’t say a word, I knew for sure that he was in pain.