MJ is actually a good driver. Naging maingat naman siya sa pagmamaneho kaya nakatulog ako nang payapa. Sa sobrang sarap nga ng tulog ko, paggising ko ay patay na ang makina ng sasakyan at naka-park na kami sa tapat ng condominium! ‘Yong pag-idlip ko ng ilang minuto ay tumagal pala ng mahigit isang oras! Magrereklamo sana ako kay MJ dahil ‘di niya ako ginising nang pagtingin ko sa tabi ko, nakita kong mahimbing siyang natutulog. Mukhang imbes na gisingin ako ay sinabayan niya ang tulog ko. “Sabi ko gisingin mo ‘ko eh,” nasabi ko na lang tuloy sa kawalan. Bumuntong-hininga ako bago muling sumandal. Masakit pa rin ang katawan ko pero kahit papaano nakatulong ang pag-idlip ko para gumaan ang pakiramdam ko. Tumagilid naman ako at dito’y muling tiningnan si MJ. Tahimik ko siyang pinagmas

